“Salamat at naunawa-an mo ako, Nicole,” sabi ni Alexis at masuyong pinisil ang palad ng kasintahan.
“Alam kong nagkaroon ka ng aral sa nangyari at pinatunayan mo sa sarili na hindi na mauulit ang nangyaring iyon.’’
“Tama ka Nicole. Nagkaroon ako nang matin-ding leksiyon at nangako na hindi na gagawa nang maling hakbang. Hindi na rin susunod sa sasabihin ng sinuman na magdudulot nang ikapapahamak.’’
“Lalo kitang minahal Mang Alexis, este Love pala. Bakit ba ako nagkakamali sa pagtawag sa’yo?’’
‘‘Sanayin mo na ang iyong sarili na tawagin akong Love.’’
“Paano kung may makarinig sa mga kasamahan ko sa gulayan?’’
“E ano naman? Nagmamahalan naman tayo. Pareho naman tayo single. Wala tayong dapat ikahiya.’’
“Kung yan ang gusto mo, Mang…. este Love pala.’’
‘‘’Yan ang gusto ko sa’yo, Nicole.’’
Masuyong pinisil ni Alexis ang palad ni Nicole.
Ginantihan naman iyon ni Nicole nang mahigpit ding pisil.
Punumpuno sila nang pagmamahalan. Walang makakatapat sa kaligayahan na kanilang nadarama. Pakiramdam nila, nakikipagdiwang ang mundo sa kanilang pagiging magkasintahan.
IPINAGTAPAT ni Nicole sa kasamahan at kaibigang si Nina ang pagiging magkasintahan nila ni Alexis.
Kinilig si Nina.
‘‘Sabi ko na nga ba at mahal ka niya. Naniniwala ka na sa akin ngayon?’’
‘‘Oo Nina. Tama ka!’’
“Magkuwento ka ng mga nangyari. Paano nagtapat si Alexis?’’
“Tinapat niya ako. Walang paliguy-ligoy. Pero nagdala muna siya ng three red roses.’’
“Ay ang sarap! Ano pa?’’
“Sabi niya mahal na mahal ako.’’
“Tapos?’’
“Noon pa raw niya ako mahal pero hindi lang niya maipagtapat.’’
“Aaaay ang sarap naman!’’
“Love ang tawag ko sa kanya, Nina.’’
“Ay sarap talaga!’’
Marami pang ikinuwen-to si Nicole kay Nina. Aliw na aliw si Nina.
ISANG gabi, nag-research sa library si Nicole. Inabot siya ng alas nuwebe. Wala na siyang masak-yang traysikel.
Nagtataka siya kung bakit nawala ang mga traysikel.
(Itutuloy)