Ahas sa Garden (389)

“May ahasssss! May ahassss!’’ sabi ni Nicole na biglang napalayo ng may dalawang dipa mula sa sinabing kinaroroonan ng ahas.

“Saan? Nasaan ang ahas, Nicole?’’

“Naroon sa puno ng talong. Muntik ko nang ma­tapakan!’

Nang makalapit si Nina ay sinilip niya ang puno ng talong na itinuro ni Nicole.

“Wala naman akong ma­kita rito, Nicole.’’

“Nakita ko! Medyo ma­laki na.’’

“Gaano kalaki?’’

“Mga ga-braso ng bata!’’

“Anong kulay?’’

“Itim!’’

“Baka ahas na tulog?’’

“Makamandag ba yun, Nina?’’

“Hindi.’’

“Bakit nagkaroon ng ahas dito sa gulayan.’’

“E kasi may mga ahas na ang kinakain ay daga. Baka ang daga ay hinabol ng ahas at dito nagtatakbo.’’

“Natatakot ako, Nina. Baka matapakan  ko e kagatin ako.’’

“Wala namang kamandag ang ahas na ‘yun kaya huwag kang matakot.’’

“Ipaalam natin sa supervisor para makagawa ng aksiyon laban sa ahas. Natatakot ako Nina.’’

“Sige. Mamaya ay sasabihin ko bago mag-uwian.”

“Natatakot akong mag­pitas ng talong dito, Nina.

“Dun ka muna sa pu­westo ko.

MAKALIPAS ang isang linggo, dumating na si Alexis mula sa Maynila.

Tamang-tama nang dumating si Alexis ay nasa kamalig si Nicole at nagli­linis.

“Mabuti at narito ka Ni­cole. Narito na ang pasalubong kong backpack sa iyo, Nicole.’’

“Salamat po, Mang Alexis.”

“Walang anuman, Ni­cole. Maaari mo nang ilagay dito ang iyong mga gamit.’’

“Opo. Maraming salamat.’’

“May problema ba sa school o sa trabaho mo sa gulayan?’’

“Wala pong problema sa school. Ang problema po ay mayroong ahas sa gulayan.’’

Napamaang si Alexis.

(Itutuloy)

Show comments