^

True Confessions

Ahas sa Garden (386)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“Sorry , Nicole,” sabi ni Alexis nang mahawakan ang malambot na kamay ng dalaga. “Hayaan mo nang ako ang magsaing­ at pagod ang kamay mo sa pagluluto ng kare-kare. Madali lang naman ang magsaing.’’

“Sige po Mang Alexis. Ikaw na po ang bahala.’’

“Sandali lang lutuin ang bigas na ito. Bagong ani ito kahapon lang. Isa ito sa pinakamasarap na bigas na balak kong ialok sa mga Japanese. Ito ‘yung klase ng bigas na bagay sa ka­­­nilang mga nilulutong ka­mameshi.’’

“Ah ganun po ba? E ‘di mayroon ka naman pong bagong negosyo?’’

“Nasa trial pa lang itong tinawag kong Alexis Rice.’’

“Bakit po Alexis Rice ang tawag?’’

“Kasi nga, ito yung klase ng bigas na kapag sinaing ay para bang na­pakadulas at napaka­sarap kainin. Kahit na walang ulam, puwedeng pa­pakin dahil sa sarap.’

“Talaga po?’’

“Oo. Mamaya kapag na­luto ito, malalaman mo kung gaano kasarap at kalinamnam ang Alexis Rice. Isa pa madaling maluto ito --- 10 minutes lang ay in-in na ito.’’

“Ibang klase po ang Alexis Rice kung ganun.’’

“Oo.’’

“Sana po ay maging suc­cessful ang bigas na iyan para madagdagan pa ang mga magkakaroon ng trabaho.’’

“Tama ka, Nicole. Kapag pumatok itong Alexis Rice, maraming tagarito na naman sa barangay ang magkakaroon ng trabaho. Siyempre bago ma­kapag-produce ng bigas, kailangan­ ay magbungkal muna ng lupa, lilinisin ito, magpupunla, magtatanim at saka hihintayin ang pagbu­laklak ng palay. Kapag namulaklak saka pa lang lalabas ang uhay at saka magiging ga­nap na palay. Kapag nahinog, aanihin na.’’

“Marami po palang pag­dadaanan bago ma­kapag-produce ng masarap na Alexis Rice.’’

“Oo. Matagal at mahirap ang pagdaraanan bago makapag-ani. Kaila­ngan ang tiyaga sa pag­ta­tanim ng palay.’’

Maya-maya lang luto na ang sinaing ni Alexis.

“Ayan luto na ang sinaing ko. Puwede na tayong kumain. Bagay na bagay ito sa kare-kare na niluto mo Nicole.’’

“Oo nga po.. Magsa­san­dok na po ako para makakain na tayo. Gusto ko nang matikman ang Alexis Rice.’’

“Masisiyahan ka Nicole, promise.’’

Ngumiti si Nicole.

 (Itutuloy)

ALEXIS

NICOLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with