“NAKA-LIVE-IN ng Ate Brenda mo ang isang mayamang lalaki na nagngangalang Nath. Ako naman ay gardener/janitor sa bahay ni Sir Nath. Nasubaybayan ko ang kanilang pagsasama. Mabait si Sir Nath pero dumating din ang panahon na nasira ang kanilang pagsasama. Pareho silang may problema. Nambabae rin si Sir Nath at nang malaman ni Brenda, ginantihan niya ito. Ako ang ginamit ni Brenda para magantihan si Sir Nath. Inudyukan ako ni Brenda na patayin si Sir Nath. At ang kapalit ay pagniniig namin. Maraming beses kaming nagtalik at na-brain washed niya ako. Nang papatayin ko si Sir Nath, hindi ko magawa. Hindi ko kayang pumatay. Lumayas na lamang ako kaysa masadlak sa kasamaan.
“Nagsama muli sila makaraang magpatawaran. Hanggang na mabalitaan ko na tuluyan nang iniwan ni Brenda si Sir Nath. Pero bago umalis, ninakawan niya ang matanda ng may P20 milyon. Hanggang sa malulong siya sa sugal at naubos din ang pera. Nang maubos, nalinya siya bilang courier ng ecstacy at heroine. Hanggang sa mapatay siya.’’
Napatangu-tango si Franco sa mga nalaman ukol sa ate niya.
‘‘Hanggang dun na lang ang nalalaman ko Franco.’’
‘‘Salamat Sir Alexis. Ngayon ay mayroon na akong nalalaman kay Ate Brenda. Masama pala talaga ang kinahantungan ng buhay niya. Siguro kaya hindi na niya ako hinanap pa ay dahil nag-aalalang ikahiya ko siya. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon dahil naging patapon na ang buhay niya.’’
Huminga nang malalim si Franco.
(Itutuloy)