Ahas Sa Garden (323)

“AKALA ko may utang sa’yo si Jambo at gusto mong masingil, bakit ko papatayin?” tanong ni George na seryosong nakatingin kay Brenda.

“Malaki nga ang utang niya sa akin at gusto ko na siyang singilin ngayon. Muntik na akong mapatay ng hayop na ‘yun at nga­yong nakita ko siya, siya ang mamamatay.’’

“Anong nangyari Bren?’’

Ikinuwento ni Brenda ang mga nangyari. Hindi halos kumukurap si George habang nakikinig. Naging interesado siya sa ikinukuwento ni Brenda.

“Binugbog ako ng hayop na yun nang mahuli kong ninanakaw ang aking­ pera sa maleta. Ako na ang ni­nakawan, ako pa ang binugbog at gustong patayin. Pero malas lang niya at binuhay ako.’’

“Paano mo nakilala ang Jambo na yun?’’

“Talunan ako sa sugal, inalok ako ng puhunan para makabawi. Ako naman na tatanga-tanga at gustong makabawi, kumagat sa kanya. Hanggang sa tuluyan na akong kumabit. Akala ko mapera dahil nag­pi-finance ng mga talunan – yun pala, dinidikwat din sa mga babaing nabibiktima niya. Inamin niya mismo  sa akin. Kaya pala niya ako ninakawan.’’

“Magkanong nakawat sa’yo ng Jambo na yun?’’

“Mahigit na 10-M!’’

“Ang laki ah. Mayaman ka pala talaga, Bren.’’

Tumango lang si Brenda.

“Tinarantado ka pala ng Jambong yun. Galit ako sa mga lalaking nananakit ng babae. Ang babae, mi­namahal at hindi sinasaktan.’’

“Kaya mo siyang patayin?’’ tanong ni Brenda na nakatitig sa mga tatoo ni George.

“Kayang-kaya ko siyang itumba!’’

Napangiti si Brenda. Makakaganti na siya kay Jambo.

“E ano naman ang kapalit kapag naitumba ko si Jambo?’’

“Katawan ko!” wa­lang gatol na sabi ni Brenda. “Pagsawaan mo hanggang gusto mo!”

Tinitigan siya ni George.

“Bukas hahantingin ko si Jambo.’’

“Gusto ko sa mismong casino mo siya itumba.’’

Napamaaang si Ge­orge.

(Itutuloy)

Show comments