^

True Confessions

Ahas sa Garden (287)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
Ahas sa Garden (287)

Naubos muli ang baon ni Brenda sa casino. Pati ang perang ibinigay niya kay Jambo na ipinampi-finance nito sa mga talunang sugarol ay natunaw din.

“Pahiramin mo muna ako Jambo at babawi ako,” sabi ni Brenda.

“Tama na Brenda baby. Malulubog ka. Makinig ka sa akin. Mag-bar na lang tayo para malimutan mo ang pagkatalo. Bukas ka na lang uli makipagsapalaran.’’

“Bakit minamalas ako?’’

“Ganyan talaga ang sugal --- may nananalo at natatalo.’’
“Lagi na lang akong talo.’’

“Huwag ka nang maghimutok. Tayo na. Uminom na lang tayo para ka makalimot.’’

Pumayag si Brenda kahit masama ang loob.

Sa KTV bar na dati nilang iniinuman nilunod ni Brenda ang sarili sa alak. Sunud-sunod ang pagtungga. Patikim-tikim lang si Jambo habang pinapayapa ang kalooban ni Brenda. Patuloy pa rin na pinapayuhan na maghinay-hinay muna sa sugal.

“Kaya hindi nadadagdagan ang pera mo e lagi kang talo, Brenda baby. Gaya ngayon, ilang milyon ang natalo sa’yo. Tapos magtataka ka kung bakit hindi dumarami ang iyong pera. Kung hindi kita pini­gilan kanina e gusto mo pang maglaro. Malulubog ka nang malulubog Baby. Believe me!’’

“Buwisit na buhay ‘to! Palagi na lang talo.’’

“Pagnanalo ka na, tigil na!’’

“E hindi nga ako nananalo!’’

“Bukas, pagnanalo ka, tigil na.’’

“A bahala na. Basta ito­todo ko na lahat ang pera ko. Ubos na kung ubos!”

Nag-isip si Jambo. Kung ganito ang balak ni Brenda, kailangang manakawan pa niya nang malaki si Brenda mamaya pag-uwi nila. Ka­ilangang lasingin pa niya ang babaing ito para magawa niya iyon.

“Sige, Baby inom pa para malimutan mo ang pagkatalo.’’

“Ikaw ba’t ‘di ka umiinom, hik!”

“Umiinom ako. Alalay lang dahil magda-drive ako.’’

“Umorder ka pa Jambo, hik! Lintik na buhay to!’’

Napangiti si Jambo at si­nen­yasan ang waiter na magdala pa ng beer. (Itutuloy)

AHAS GARDEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with