“IKAW po ba si Mr. Alexis?’’ tanong ng babae kay Alexis.
“Opo. Ako nga po. May kailangan ka po ba sa akin?’’
“Puwede ka po bang makausap sandali Mr. Alexis?”
“Opo.’’
Bumaba sa jeepney si Alexis. Bumaba rin ang kanyang tatay.
“Representative po kami ng bagong tayong hotel na malapit lang dito. Nabalitaan po namin na ikaw ang number one supplier ng gulay at prutas dito sa palengke. Sariwa raw po at safe ang mga produkto mo. Maaari mo ba kaming suplayan ng gulay at prutas. Pag-usapan po natin ang halaga.’’
“Sige po Mam. Susuplayan ko kayo. Wala pong problema sa presyo.’’
“Salamat po Mr. Alexis. Kailan mo po susupla-yan?’’
“Kung gusto n’yo bukas na bukas din. Magha-harvest kami mamayang hapon at bukas ng umaga, dadalhin ko sa inyong hotel.’’
“Sige po. Sa hotel na rin natin pag-usapan ang pagbabayad.’’
“Wala pong problema Mam. Gaano po ba karami ang kailangan n’yong gulay at prutas.’’
“Lahat po ng produce n’yong gulay at prutas, dalhin n’yo bukas.’’
“Sige po Mam.’’
“Maraming salamat Mr. Alexis. Nice meeting you po.’’
“Maraming salamat din po Mam. Bukas po ng umaga nasa hotel na ang gulay at prutas.’’
Nagpaalam na ang dalawa.
Hindi naman maipaliwanag ang nadamang kasiyahan ni Alexis at ganun din ang kanyang tatay.
“Sunud-sunod na ang suwerteng dumarating Tatay,” sabi ni Alexis habang nagda-drive ng jeepney pauwi.
“Oo nga, Alexis. Aba e bigatin ka na dahil hotel na ang nagpapa-supply sa iyo.’’
“Oo nga Tatay. Siguro kailangan na nating dagdagan pa ang ating gulayan. Palagay ko, marami pang magpapa-supply sa atin.’’
“E di bayaran na natin ang katabing lupa. Noon pa ipinagbibili yun at mura lang. Samantalahin na natin. ‘Pag nabili natin ang lupa, tataniman agad ng gulay para marami pa ta-yong masuplayan.’’
“Sige Tatay. Kailangan nating mag-expand. Nagbo-boom ang mga kainan ngayon at kailangan nila ng mga iluluto. Tayo ang kailangan nila kaya sasamantalahin natin.’’
“Palagay ko Alexis, ikaw na ang vegetable king dito sa bayan natin, he-he-he!’’ (Itutuloy)