‘‘KAWAWA naman si JayR,’’ sabi ni Sadiq nang makaalis ang kaibigan. “Sana matulungan natin siya. Noong tayo ang nasa gipit na kalagayan, marami siyang naitulong sa atin. Dapat nating ibalik ang nagawa niya sa atin, Mommy.’’
‘‘Oo Daddy, nararapat lang na matulungan natin siya. Kung ano ang kailangan ni JayR, pilitin nating matulungan. Kawawa naman. Siya lamang pala ang inaasahan ng kanyang magulang. May sakit pa pala ang kanyang inay.’’
“Nakakaawa nga ang kaibigan ko. Noong magkasama pa kami sa Saudi talagang napakamatulungin ng taong yun. At talagang tapat makipagkaibigan. Hindi nang-iiwan.’’
“Sa itsura pa lang naman ni JayR ay mukhang mabuting tao. Suwerte ang babaing pakakasalan niya.’’
“Pero parang walang balak mag-asawa si JayR. Gusto yata maging matandang tinali.’’
“Kung mayroon lang akong kilalang babae na naghahabol din sa huling biyahe, ipakikilala ko si JayR.’’
“Ihanap kaya natin, he-he-he!’’
“Sige maghahanap ako. Malay mo, matipuhan din niya ang mamanukin natin.
ISANG araw dinalaw nina Sadiq at Gina ang itay ni JayR sa ospital. Hindi pa bumubuti ang matanda. Problemado si JayR sapagkat lumalaki ang gastusin. Iniisip niya kung saan kukuha ng gagastusin kapag hindi pa naging stable ang ama.
“Tutulungan ka namin, JayR. Don’t worry!’’
Parang maiiyak si JayR. (Itutuloy)