^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (120)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKADAMA ng lungkot si Ruth makaraang maalala ang kanyang namayapang ina. Kahit nasa kabilang buhay na ito, hindi pa rin niya malimutan ang mga pagkukulang nito sa kanya. Walang naging mahalaga sa ina kundi ang pansa­riling kaligayahan. Hindi niya nakitaan ng pagmamahal sa kanya ang ina. Hindi siya nakadama nang pagmamalasakit. Mas pinrotektahan pa ang manyakis na ka-live-in. Kahit na nagsumbong siya dahil sa ginagawang pamboboso sa kanya, hindi siya inintindi at parang sa kanya pa galit.

Dahil sa muling pag­balik ng alaala sa na­­mayapang ina, wala siyang kasigla-sigla­ nang dumating sa condo. Walang ka­­imik-imik na puma­sok makaraang pag­buksan ni Mommy Donna. Napansin iyon ni Mommy Donna.

‘‘May sakit ka Ruth?’’

Naupo sa sopa si Ruth. Nakatingin sa kisame.’’

‘‘Wala Mommy.’’

“Bakit para kang lantang katuray?’’

Ikinuwento ni Ruth ang mga nangyari. Sinabi niya na nagbalik ang alaala ng ina makaraang may makita siyang dalagitang pulubi kanina.

“Parang nakita ko ang sarili sa dalagita. Hindi ko maiwasang maawa sa sarili dahil kaya ako naging pala­boy ay dahil sa kapabayaan ni Inay.’’

“Kalimutan mo na ‘yun, Ruth. Matagal na yun. Ang nakaraan ay nakaraan na. Di ba ikaw din ang nagsabi sa akin na kalimutan na ang mga kabiguan kong natamo habang nasa Japan.’’

Napatangu-tango si Ruth. Sinabi nga niya iyon.

Tama si Mommy, dapat nang kalimutan ang mga nangyari at harapin ang kinabukasan.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with