Sa Piling ng Kalapati (116)
“GUSTO ko everyday tayong magkasama, Keiko,” sabi ni Mommy Donna habang yakap ang anak.
“Ako rin, Mommy kaya after my studies in Canada, visit lang ako sa Osaka ng one month and balik na ako rito sa Philippines. Promise!’’
“Talaga, Keiko?’’
“Yes! Totoo.’’
“Salamat. Thank you Keiko.’’
“And pangako, isasama ko kayo ni Ruth sa Osaka. Ako naman ang magpapasyal sa inyo roon. Okey ba Mommy?’’
“Salamat Anak.’’
“I’m sure Mommy nalimutan mo na ang Osaka. Marami nang changes mula noong makarating ka roon.’’
“A sigurado, Keiko. Matagal na yun. Baka marami na ngang nabago.’’
“Magugulat ka, Mommy. Akong bahala sa inyo ni Ruth.’’
Niyakap ni Mommy Donna ang anak.
Ilang araw bago ang pag-alis ni Keiko patungong Canada, isinama siya ni Mommy Donna at Ruth sa Liliw para ipakilala kay Dahlia.
“Keiko meet your Tita Dahlia.’’
Niyakap ni Keiko si Dahlia. Nakatingin lang ang asawa ni Dahlia.
“Ku-mustah po Tita.’’
“Mabuti naman Keiko,’’ sagot ni Dahlia na mangiyak-ngiyak sa pagkikitang iyon.
Sinabi ni Mommy Donna na aalis na si Keiko.
Masayang-masaya si Keiko nang bigyan ni Dahlia ng mga sapatos at tsinelas na gawang Liliw.
(Itutuloy)
- Latest