Sa Piling ng Kalapati (112)

MAINIT ang pagkikita nina Mommy Donna at Keiko. Mahigpit ang pagyayakap nilang mag-ina. Ayaw bumitiw pa­reho dahil sa matinding pananabik sa isa’t isa. Napaiyak sila pareho. Si Ruth na nakatingin sa dalawa ay nangingilid ang luha. Pare-pareho silang nadala ng damdamin. Pero para kay Mommy Donna, iyon ang pinakamaligayang sandali para sa kanyang buhay. Walang kasingkatulad na kaligayahan at ayaw na niyang matapos pa.

Nang magbitiw ang dalawa sa pagyayakap, nagulat pa si Mommy Donna at Ruth nang mag­salita ng Tagalog si Keiko.

“Ma-hal na ma-hal kita, Mommy!’’

‘‘Ikaw din mahal na mahal kita!’’

“Marunong ka ng Tagalog Keiko?’’ tanong ni Ruth.

“Oo. I studied Filipino or Tagalog. Ma-bilis lang pag-aralan.’’

‘‘Wow, kahanga-hanga ka. I mean, you’re great!’’

“Sa-la-mat, Ruth. Sa-bi ni Mommy ka-pa-tid ki-ta.’’

‘‘Oo. Magkapatid tayo. Were both maganda. You know maganda?’’

“Yes! Beautiful.’’

“Ang galing!’’

Si Ruth naman ang niyakap nang mahigpit ni Keiko. Mainit na mainit ang pagtanggap ng da­lawa sa isa’t isa.

“Happy ako Ruth. Very happy nga-yong na-kita ko si Mommy.’’

“Alam ko, Keiko. Ganundin si Mommy. Maligayang-maligaya siya!

Maya-maya pa patungo na sila sa parking area. Naroon ang sasakyan na inarkila ni Ruth. Habang patungo roon, patuloy ang kanilang pagkukuwentuhan.

(Itutuloy)

Show comments