Sa Piling ng Kalapati(111)

“NASAAN si Keiko, Ruth? Nasaan?” tanong ni Mommy Donna habang nakatingin sa malaking TV monitor.

“Ayun siya! Naka-pu­ting long sleeves shirt at maong jeans.’’

“Hindi ko makita! Ang dami kasing lumalabas na pasahero.’’

“Tiyak kong si Keiko na yun. Sabi niya sa hu­ling chat, naka-white long sleeves siya at jeans. Siya yun, hindi ako magkakamali.’’

“Nasaan na ba siya? Bakit hindi ko makita?’’

“Natatakpan siya ng ibang pasahero. Ayun naglalakad na siya.’’

“Anong dala niya?’’

“Baggage na nasa cart. Ayun o!’’

Nakita rin ni Mommy Donna ang anak.

“A oo nga. Si Keiko nga yun! Si Keiko nga!’’

Hanggang sa mawala na sa frame ng TV monitor si Keiko. Maaaring palabas na ito ng pintuan.

“Ruth, kinakabahan ako!” sabi ni Mommy Donna.

“Ngayon ka pa kakabahan na magkikita na kayo.’’

“Hindi ko alam ang sa­sabihin ko.’’

“Tagalugin mo. Maru­nong naman daw siyang makaintindi dahil nag-aaral siya ng Tagalog.’’

“Oo nga. Ang ibig kong sabihin paano ko tatanggapin ang anak ko. Paano Ruth?’’

“Sundin mo ang sinasabi ng iyong damdamin. Kung ano ba ang nararamdaman ng isang ina.’’

Maya-maya pa nakita na ni Ruth ang papalapit na si Keiko.

Kinawayan ni Ruth.

“Hi Keiko! Keiko! We are here!’’

Palinga-linga si Keiko. Naghahanap.

Hanggang makita sila ni Keiko.

Nagmamadaling luma­pit sa kanila.

Pero mabilis si Mommy Donna sa paglapit sa anak. Mahigpit itong niya­kap. Matagal. Mainit na pagyayakap.

“Anak ko!’’

“Mommy!’’

(Itutuloy)

Show comments