Sa Piling ng Kalapati (81)

ISANG araw ang confe­rence na dinaluhan ni Ruth na ginanap sa isang five star hotel na nasa city center sa Bangkok. Doon din sa hotel na iyon nakatuloy sina Ruth at Mommy Donna.

Matapos ang confe­rence, ang pamamasyal na ang ginawa ng dalawa.

“Baka maligaw tayo Ruth, di ba dapat may tourist guide tayo.’’

“No need Mommy. Pa­wang train ang sasakyan natin dito. Paglabas natin dito sa hotel, may train station na. Mayroon na akong map kung saan tayo bababa. Mada­ling hanapin ang mga top tourist destination dito.’’

“Okey, naniniwala ako sa’yo. Basta susunod na lang ako sa’yo.’’

“Kumapit ka na lang sa laylayan ng shirt ko, he-he-he!’’

Una nilang pinuntahan ang Grand Palace. Mara­ming turista. Halos mapuno ang lugar sa dami ng mga bumibisita. Bahagi ng Pa­lace ang Royal temple na Wat Phra Kaew.

Sunod nilang pinunta­han ang Wat Arun na malapit lamang sa Chao Phraya Ri­ver. Tinatawag din ang Wat Arun na Temple of Dawn. Napakagandang pagmasdan ng Wat Arun habang lumulubog ang araw.

Sunod na araw, ang Temple of the Reclining Buddha (Wat Pho) ang pinuntahan nila. Hangang-hanga sila sa nakatagilid na Buddha. Napakara­ming tao. Kailangang nakatapak sa pagpasok sa loob ng temple.

Ang huling destinasyon nina Ruth at Mommy Donna ay ang Chatuchak Market. Parang Divisoria sa dami ng mga tindahan, kainan at iba pa. Marami silang binili sa nasabing palengke.

Doon natapos ang apat na araw nila sa Bangkok.

Masayang-masaya ang dalawa habang pabalik sa Maynila.

(Itutuloy)

Show comments