^

True Confessions

Damo sa pilapil (19)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Cancer ang ikinamatay­ ng mister ni Dulce,” sabi ni Manang Cion. “At si­guro para malimutan ang pagkamatay ng asawa e hindi na nagpapahinga sa pagtatrabaho. Hindi na nga tumitigil dito sa bahay. Gaya ngayon na nasa ibang bansa naman.’’

“Kawawa naman pala si Mam Dulce. Pero hindi ko po halata na biyuda siya. Ang tingin ko nga ay matandang dalaga.’’

“Hindi halata dahil ma­bait at isa pa, ma­ganda. Nasa 60-anyos na si Dulce. Hindi halata ano?’’

“Opo.’’

“Parang 50 lang ang tingin ko.’’

“Nung una kong ma­kita si Mam, akala ko ma­tandang dalaga. Hindi naman ako makapagtanong at baka kung ano ang isipin at saka hindi po maganda. Baka maasar e hindi ako tulungan. Nalaman ko na may-ari pala siya ng realty. Binigyan ako ng calling card.’’

“’Yung mister niya ang President ng realty. Nang mamatay siya na ang nag-take over. Malaki rin ang responsibilidad na na­iwan sa kanya. Pero dahil doon nalilibang naman siya at maaaring nalilimutan ang pagkamatay ng asawa.’’

“Bihira nga pong magpunta si Mam sa opisina. Kung magpunta man ay saglit lang.’’

“Busy nga siya. Parang hindi na nagpapa­hinga.’’

“E Manang Cion, mayroon ba silang anak. Pasensiya ka na sa tanong ko.’’

“Oo may anak sila – lalaki -- pero namatay. Nasa unang taon daw ng pag-aabogado nang mamatay. Na-hazing yata sa fraternity. Parang yung pagkamatay ng anak ay labis na dinamdam ng asawa ni Mam Dulce at nagpasidhi raw sa cancer. Parang ganun ang pagkakaalam ko.’’

“E di hindi pa rin natatagalan nang mamatay ang anak na lalaki, Manang?’’

“Oo. Kung hindi ako nagkakamali ay mga da­lawang taon na ang nakalilipas.’’

Napatango si Zac.

“Kaya sunud-sunod ang naranasang sakit ni Dulce. Nakakaawa siya,” sabi ni Manang Cion.

(Itutuloy)

DAMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with