^

True Confessions

Ang Magkapatid (154)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Samantala, plan­tsado na ang plano ni Ipe at Hannah na pagpapakasal. At ha­latang-halata ang kasiyahan ni Sir Henry sa plano ng dalawa na pagpapakasal. Ex­cited na excited na ang mabait na ma­tanda sa nalalapit na kasal.

“Gusto ko nang magkaapo, John Phi­lip. Talagang noon pa ay gusto ko nang may makargang apo.’’

“Matutupad na po ang hiling mo Sir.’’

“Huwag mo na nga akong tawaging Sir. Daddy na ang ita­wag mo at isang buwan na lang naman at kasal na kayo ni Hannah. Masarap pakinggan kung daddy na ang itatawag mo sa akin.’’

“Kung ‘yan po ang gusto mo, Daddy.’’

“Good! Ganyan nga. Magsanay ka nang tumawag sa akin dahil magkakasama na tayo sa bahay na ito. Huwag na kayong bibili ng bagong bahay dahil dito na kayo titira. Walang magmamay-ari nito kundi kayo. Gusto ko, sama-sama tayo rito. At gusto ko, mag-anak kayo ni Hannah ng apat.’’

Nagtawa si Ipe sa sinabi ng biyenang hilaw.

“Dalawang lalaki at dalawang babae ang gusto ko kung maaari. Pero kung pawang lalaki o babae, ayos na rin. Basta ang gusto ko e marami para masaya kami. Siguro kapag nagkaroon na ako ng apo, hahaba ang buhay ko. Naka­kapagpahaba raw ng buhay kapag may ni­lalarong apo.’’

“Sige po Daddy at pagkakasal namin ni Hannah, e gagawa agad kami ng anak para matupad na ang wish mo.’’

“Salamat, John Philip. Talagang napa­ka­husay mo. Kaya nga sa iyo ko pa ipagkakatiwala ang iba ko pang kompanya. Malaki ang tiwala ko sa’yo. Hindi na ako makakakita pa ng katu­lad mo.’’

“Salamat Daddy. Ha­yaan mo at pag­huhusayan ko pa ang pamamahala sa mga kompanya mo. Ako ang bahala, Daddy.’’

Tinapik-tapik ni Sir Henry si Ipe.

MINSANG nag-uusap sina Ipe at Ada, napunta ang usapan nila sa mga nalampa­san at nalutas na mga problema.

“Alam mo Kuya, masayang-masaya ang pakiramdam ko dahil natapos na ang mga problema natin at iba pa.’’

“Ako rin ay labis­ na nasisiyahan sa mga nangyari sa ating buhay. Walang ka­singsaya, Ada.’’

(Tatapusin na bukas)

 

HANNAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with