^

True Confessions

Ang Magkapatid (143)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MATUTUWA ang mama mo, Gem. Parang nabunutan siya ng tinik kapag nalamang pinatatawad mo na ang papa mo,” sabi ni Ada at pinisil ang palad ng kasintahan. Ginantihan din iyon ng pisil ni Gemo.

“Lalo kitang minahal Gem. I love you so much. Nakita ko na mabuti ka sapagkat marunong kang magpatawad. Ang taong marunong magpatawad ay mabuti ring asawa.’’

Napangiti si Gemo. Nakita ang kislap ng pag-asa sa kanyang mga mata. Ngayon pa lang ay nakikita nang magiging masaya ang pagkikita nilang mag-ina.

“Tayo na,” sabi ni   Gem. “Baka gabihin tayo patungong Calamba.’’

Tumayo si Ada at ina-lalayan ni Gemo.

Lumabas sila sa coffee shop at magkahawak ang kamay na naglakad patungo sa sakayan ng bus patungong Calamba. Masaya silang nagkukuwentuhan habang nag­lalakad. Pakiramdam ni Ada, nakagawa siya nang napakadakilang bagay nang makumbinsi si Gemo na patawarin na ang papa nito. Ganun pala ang nararamdaman ng taong naka­gawa ng makabuluhang bagay.

Pasa­do alas onse na ng gabi nang dumating sila sa Calamba. Naramdaman agad ng mama ni Gemo na may dumating kaya lumabas ito ng bahay at sinalubong sila sa gate.

Nang makapasok sa loob ng bakuran ay niyakap nito si Gem at saka umiyak.

“Salamat at umuwi ka na Gemo. Akala ko hindi ka na uuwi.’’

“Puwede ba naman kitang matiis. Tahan na at baka magkaiyakan pa tayong tatlo. Iiyak na rin si Ada.’’

Napaiyak nga si Ada.

Binalingan ng mama  ni Gemo si Ada.

“Ada, salamat sa iyo. Alam ko malaki ang nagawa mo sa amin ni Gemo.’’

“Wala pong anuman. Masaya nga po ako sapagkat pinatawad na ni Gem ang papa niya.’’

Napamaang ang mama ni Gemo sa narinig.

Inakbayan ito ni Gemo.

 “Parang hindi ka makapaniwala, Mama?’’

Hindi pa rin makapagsalita ang kanyang mama.

“Hanapin natin si Papa at dalhin uli natin dito. Gusto ko siyang makita, Mama.’’

Napaiyak nang todo ang mama ni Gemo. Nayugyog ang balikat sa pag-iyak. Si Ada ay umiiyak na rin.

(Itutuloy)

 

 

vuukle comment

MAGKAPATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with