^

True Confessions

Ang Magkapatid (119)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“AKALA ko ba sabi mo ay mahirap lamang ang matandang nakilala mo e maykaya ang nakaburol dito,” sabi ni Ipe.

“Mayaman dati ang matanda Kuya. Nakuha niya ang funeral plan noon pa --- noong mayaman pa siya. Ngayon ay mahirap pa raw sa daga sabi ng maid niya. ’’

“Mayroon pa siyang maid?’’

“Actually, ang maid ay nakapagtiyaga sa ugali ng matanda. Kahit naging mahirap na ito, hindi iniwan. Kawawa naman daw. Natulungan din naman daw siya ng matanda noong ito ay mayaman pa. Marami siyang utang na loob sa matanda. Siyanga na nga lang ang kasama ng matanda sa bahay nito sa Tatalon. Nang atakehin ang matanda nung isang gabi, siya ang nagdala sa ospital.’’

“Walang anak o asawa ang matanda?’’

“Mayroong anak na lalaki pero nawala at matagal na silang hindi nagkikita.”

“Bakit?’’

“Ayon sa kuwento ng maid na si Manang Caridad, nanghimasok daw ang matanda sa buhay ng anak. Lahat ay pinakialaman, pati ang buhay pag-ibig at pag-aasawa. Nalulong daw sa droga at alak ang anak hanggang sa hindi na sila nagkita. Bumagsak na ang mga negosyo ng matanda, kung anu-anong kamalasan ang nangyari sa buhay niya.”

“Hmmm, parang pa­milyar sa akin ang kuwento,” sabi ni Ipe na nag-iisip.

“At alam mo bang ang hiling sa akin ng matanda ay hanapin ko raw ang anak niya at ihingi siya ng tawad. Nangako naman ako kahit na hindi ko alam kung ano ang pangalan ng anak niyang nawawala.’’

Nag-iisip nang ma­lalim si Ipe. May kutob siyang nararamdaman.

KINABUKASAN, papalabas sa kuwar­tong kinabuburulan ng ama si Ada nang magulat siya nang makita si Manang Caridad na papasok sa katabing kuwarto. Doon nakaburol ang matanda.

“Manang Caridad!’’

“Ada!”

(Itutuloy)

ANG MAGKAPATID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with