Ang Magkapatid (118)

NAGPAKITA rin ng pag­hanga si Sir Henry kay Ipe o John Philip sa pagkakataong iyon na bago namatay ang ama ay lubusang pinatawad sa lahat ng mga nagawa nito. Lalo lamang lumaki ang pagtingin nito sa da­ting tauhan na nga­yon ay nobyo ng kanyang anak na si Hannah.

“Kung hindi mo pina­tawad ang papa mo, baka may dalahin ka sa dibdib ngayon, John Philip,” sabi ni Sir Henry habang magkatabing na­­kaupo.

“Opo Sir. Salamat at napagpayuhan mo ako. Lumiwanag ang isipan ko. Kung nanatili akong matigas, baka mabigat ang dalahin ko dahil hindi nagpatawad.’’

“Ganun talaga ang mararamdaman mo, John Philip. Gaya nang nasabi ko, maraming dahilan kung bakit hindi kayo natulungan ng papa mo. Maaaring may malaking problema siya. Dapat naiintindihan din natin siya.’’

“Meron nga pong problema Sir. Ang kanyang mama o aking lola ang dahilan kaya nasira ang buhay ng aking ama. Nanghimasok po si Lola sa buhay ni Papa. Ipinakasal po sa kauri nilang mayaman. Laban sa mga kagustuhan ni Papa ang lahat. Nalulong po sa bisyo si Papa --- shabu, alak hanggang sa hiwalayan na ng asawa. Nawalan po ng kontrol ang buhay.’’

“’Yan nga ang sinasabi ko. May malaking problema ang papa mo kaya hindi kayo natulungan. Bagama’t may kasalanan din siya dahil naging sunud-sunuran, hindi rin naman siya tuwirang masisisi. Kaya humahanga ako dahil nagawa mo siyang patawarin. Lalong gaganda ang buhay ninyong magkapatid dahil nagpatawad kayo.’’

“Salamat Sir Henry.’’

Makaraan ang ilang oras, nagpaalam na sina Sir Henry at Hannah kina Ipe at Ada.

Saka lamang naka­pag-usap nang sarilinan ang magkapatid.

“Anong nangyari sa dinalaw mong matanda, Hannah?’’

“Patay na rin siya Kuya. At alam mo, dito rin siya ibuburol.’’

Nagulat si Ipe sa si­nabi ni Ada.

(Itutuloy)

Show comments