HINDI makapaniwala si Marie sa mga ikinuwento ni Jose ukol kay Jam.
“Parang nababaliw na ang kaibigan mo. May ganun palang babae na grabeng maka-gusto at gagawin ang lahat para lamang makuha ang gusto.’’
“Baka nga nababaliw na. Ayaw kang tigilan hangga’t hindi ka naaagaw sa akin.’’
“Akala ko hindi na ako makakalabas sa bahay niya. Mabuti na lang at tinalo siya ng kalasingan. Kung hindi siya nalasing, baka ipagpilitan ang sarili at pagtumanggi ako, mag-eeskandalo.’’
“Baliw na nga si Jam. Totoo nga ang sinabi ni Pete, asawa niya, sa akin. Mag-ingat daw ako kay Jam. Delikado raw na mayroon itong gagawin para mapaghiwalay tayo.’’
“Kaya nga gumawa ako ng sulat at sinabi kong huwag na niya tayong gambalain.’’
“Palagay ko lalo lamang siyang matsa-challenge sa nangyari, Jose. Ngayong lantad na ang pagkagusto niya sa iyo, baka lalo tayong guluhin.’’
“Huwag kang matakot.’’
“Bakit nangyari ito? Kung sino pa ang iti-nuring kong kaibigan, e siya pa pala ang magbibigay ng problema. Dahil sa pagkahumaling niya sa iyo, hindi na niya pinahalagahan ang pagkakaibigan namin.’’
“Kalimutan mo na ang pagkakaibigan n’yo. Walang kuwentang kaibigan si Jam.’’
“Ahas na kaibigan pala ang babaing iyon.’’
“Pero kahit ano ang gawin niyang panunuk-so sa akin, hindi ako nagiba. Ikaw lang talaga ang mahal ko Marie.’’
“Salamat, Jose. Ngayon ko napatunayang mahal mo talaga ako.’’
(Itutuloy)