Black Widow (136)

DUMATING ang order na pagkain ni Jam. Masarap sa pang-amoy ang dalawang order ng salmon na nasa hot pot. Nakatingin lang si Jose habang ibi­nababa ng crew ang pagkain. Humahanap siya ng tiyempo kung paano matatakasan si Jam. Mamaya kapag kumakain na sila at libang na libang si Jam saka siya eeskapo.

“Kain na tayo, Jose. Gutom na talaga ako.’’

“Busog pa ako.’’

“Sige na. Baka magutom ka e kagalitan ako ni Marie.’’

‘‘Maya-maya na. Sige mauna ka na.’’

‘‘Salamat at pinagbigyan mo ako, Jose. Napakabait mo talaga. Ang suwerte ng kaibigan kong si Marie, kaya lang...’’

‘‘Kaya lang ay ano?’’

‘‘Sorry ha pero alam mo bang ang lahat nang napapangasawa ni Marie ay namamatay.’’

“Matagal ko nang alam ‘yun, Jam. Bago pa lamang kaming magkaki­lala, sinabi na niya ‘yun. At hindi ako naniniwala roon. Nagkataon lang ‘yun.’’

“Paanong nagkataon lang e eksaktong 10 taon nang pagsasama, natitigok ang lalaki.’’

“Nagkataon nga lang ‘yun. Hindi totoo na lahat nang napapangasawa ni Marie e mamamatay.”

‘‘Hindi ka ba kinikila-butan, Jose.’’

‘‘Ba’t naman ako kikilabutan?’’

“Na mamamatay ka after 10 years nang pag-sasama n’yo ni Marie.’’

“Kung magkatotoo man yun, okey lang. Tu-tal naman at nakasampung taon na kaming nagsasama bago mangyari yun. Medyo mahaba na ring pagsasama ‘yun. Di ba?”

Supalpal si Jam.

Pero nang magsalita uli ay may himig pananakot na.

‘‘Pero may hula rin na kapag nag-asawa muli si Marie, siya naman ang mamamatay. At ilang buwan lang daw pagkaraang magsama mangyayari iyon.’’

Nagtawa lang si Jose.

“Hindi ako naniniwala sa hula, Jam. Sorry ha?’’

Nakatingin lang si Jam. Halatang inis. Hindi niya makumbinsi si Jose.

Hanggang sa ipasya ni Jose na ituloy ang ba­lak. Iiwanan niya si Jam. Tumayo siya at nagpaalam kay Jam.

‘‘Punta lang akong comfort room.’’

Tumango si Jam.

(Itutuloy)

Show comments