“AKO nga si Marie na kaibigan ni Jam,” sabi ni Marie. Sa tingin niya, bumata at gumuwapo si Pete.
“Kumusta ka Marie?’’
“Mabuti naman. Ikaw? Kayong mag-aama?”
“Okey na okey. Wala nang problema. Yung dalawang bata, nag-aaral at parehong honor student. Yung kasing ka-live in ko, e dating teacher kaya nasusubaybayan. Happy ako, Marie. Very happy.’’
“Nakikita ko nga sa face mo, Pete. Bumata ka nga at gumuwapo, he-he-he!”
“Thanks. Gusto mo magmeryenda muna tayo. Para makapagkuwentuhan pa tayo.’’
“Sa ibang araw na lang Pete. May naghihintay sa akin.’’
“Ka-date?’’
“Oo.”
“Di ba biyuda ka?”
“Oo. Pero malapit na uli akong mag-asawa. Ikakasal na kami ng magiging hubby ko.’’
“Talaga, congrats. Palagay ko maligaya ka rin dahil maganda ka at bumata rin.’’
“Ha-ha-ha! Gumaganti ka ha?’’
Nagtawa si Pete.
“Gusto mong makarinig kahit kaunti sa dating wife mo?’’
Napangiti si Pete.
“Anong magandang nangyari sa kanya?’’
“May trabaho na uli siya at maganda ang trabaho. Dito rin siya sa Makati.’’
“A mabuti naman. Siguro naman nagbago na.’’
Napangiti si Marie.
“May bago na ring asawa siguro?’’
“Wala. Pero mayroong pinapantasya.’’
Nagtawa si Pete.
“No wonder. Hindi siya maaaring mabuhay na walang kaulayaw. Kailangan ay mayroon siyang lalaki.’’
Nakatinging masusi si Marie kay Pete. Tama ang sinasabi nito.
“Payo ko sa’yo Marie, mag-ingat ka sa kaibigan mo.’’
“Bakit Pete?’’
“Basta mag-ingat ka sa kanya. Kahit kaibigan ka niya, puwede ka niyang tuklawin.’’
Kinabahan si Marie.
(Itutuloy)