Black Widow (113)

‘‘BAKIT ba si Jam ang pinag-uusapan natin,’’ sabi ni Jose habang nag­lakakad sila ni Marie sa mall. ‘‘Ang pag-usapan natin ay ang ating sarili. Kailan mo gustong magpakasal?’’

“Ang bilis naman Jose. Ngayon lang tayo nagkabukingan e kasal na agad.’’

“Para makabuo pa tayo?’’

“Puwede pa ba kahit malapit nang mag-fifty?’’

“Oo naman. Mayroon ngang lola na e nanganak pa ng kambal.’’

Nagtawa si Marie.

‘‘Sobra ka naman. Totoo ba ‘yun?’’

‘‘Oo. At alam mo ba, nagbi-breast feed pa ang lola.’’

Tinampal ni Marie si Jose.

‘‘Sira ka talaga Jose.’’

‘‘Seryoso na ako, gusto ko nga makasal na tayo para maka-assemble pa. Huling hirit.’’

“E di pakasal tayo nang simple. ‘Yung tayo lang ang nakaaalam.’’

“Ayaw mo sa simbahan para masaya.’’

‘‘Okey na sa akin ang civil wedding. Tutal naman at tatlong beses na akong church wedding pero pawang namatay ang mga pinakasalan ko. Masakit alalahanin.’’

“Sige kung yun ang gusto mo wala akong tutol. Ikaw ang masusunod.’’

“Pero kailangang makumbinsi muna natin ang dalawang bata – sina Pau at Iya. Kasi nga, ayaw na nilang mag-asawa tayo.’’

“Oo. Minsan, mag-outing uli tayo. Maski sa Los Baños lang o sa Tagaytay. Kausapin natin sila nang heart-to-heart.’’

‘‘Okey sa akin. Kailan?’’

“Next Sunday puwede ka?’’

“Sige. Pero tayo lang apat ha. Minus na si Jam.’’

Nagtawa si Jose.

‘‘Siyempre naman. Hindi naman siya kasama sa plano natin.’’

Pinisil ni Marie ang palad ni Jose. Saka napahinga nang malalim. Napansin iyon ni Jose.

‘‘Why?’’

“Naiisip ko lang yung sabi ng manghuhula sa akin. Huwag na raw akong mag-asawa pa isa ikaapat na pagkakataon dahil kapag hindi raw namatay ang lalaking magpapakasal sa akin e ako naman daw ang mamamatay.’’

Pinisil naman ni Jose ang palad ni Marie.

‘‘Patutunayan kong mali ang hula. Hindi magkakatotoo ang hula na mamamatay ako.’’

(Itutuloy)

Show comments