^

True Confessions

Black Widow (92)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“WALA naman talaga akong balak mag-asawang muli, Jam,” sabi ni Marie. “Di ba nasabi ko sa’yo noong magkasama pa tayo sa trabaho.’’

Parang napahiya si Jam.

“Akala ko kasi nagbabago ka ng pasya,’’ sabi nito.

“Hindi.”

“Tama nga ang desisyon mo. At isa pa nga di ba baka maulit na mamatay muli ang mapapangasawa mo.’’

“’Ayaw ko na talagang mag-asawa kahit hindi mo sabihin na baka maulit ang mga nangyari sa akin.’’

“Kasi’y baka makaranas ka na naman nang kalungkutan. Nagpapaalala lang ako. Noong mamatay ang ikatlo mong asawa, damang-dama ko ang lungkot mo.’’

“Salamat.’’

“Pareho na lang tayong walang asawa. Mabuti at may kasama ako na walang dyowa. Ang kaibhan nga lang ay biyuda ako sa buhay. Ikaw talagang namatay ang asawa.’’

“Hindi ka na gaanong apektado ng problema?’’

“Hindi ko na iniisip.’’

“Natatanggap mo na?’’

“Wala naman akong magagawa pa. Kahit isipin ko pa nang isi-pin, wala na ring mangyayari.’’

“Sabagay. Pero baka naman kung saan mo ibinabaling ang panahon mo. Kasi’y baka nahihilig ka sa alak.’’

Nagtawa si Jam.

“Hindi! Akala mo alcoholic na ako?’’

Tumango si Marie.

“Hindi ako alcoholic. Naparami lang inom ko nun.’’

“Mabuti naman.’’

“Basta ang tungkol sa problema ko, napag-aaralan ko nang tanggapin.’’

Saka huminga nang malalim.

“Ganyan nga. Mas maganda kung makakahanap ka ng trabaho.’’

“Oo nga. Itanong mo nga kay Jose kung may bakante sa kanila.’’

Nag-isip si Marie.

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

AYAW

GANYAN

HINDI

IKAW

ITANONG

ITUTULOY

KAHIT

KASI

NAGPAPAALALA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with