^

True Confessions

Black Widow (80)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI ako naniniwala sa mga sinabi ng asawa mo, Jam,” sagot ni Marie sa tanong ni Jam. ‘‘Kilala kita. Alam kong hindi mo magagawa iyon.’’

‘‘Salamat Marie. Tunay ka talagang kaibigan. Ikaw na lamang ang nakakaintindi sa akin.’’

‘‘Gusto ko sanang barahin ang asawa mong si Pete habang nagkuku-wento nang umano’y pagtataksil mo pero hindi ko na ginawa dahil hindi naman ako mananalo sa kanya. Hinayaan ko na lamang siyang magkuwento. Iyon ang gusto niyang bersiyon e di magsawa siya.’’

Napaiyak si Jam sa mga sinabi ni Marie.

At pagkatapos ay big­lang napayakap sa kaibigan. Humagulgol na ito. Nayugyog ang mga balikat sa pag-iyak.

Pinakalma ni Marie.

“Huwag ka nang umiyak at narito naman ako na naniniwalang wala kang kasalanan. Alam ko namang naghuhugas ng kamay ang asawa mo at ikaw ang binubuntunan ng sisi. Tama nga na ang mga mandaraya ay kasamahan ng sinungaling. Magkatulad sila at hindi dapat pagkatiwalaan.’’

Tumigil sa pag-iyak si Jam pero nakasubsob pa rin sa balikat ni Marie. Parang bata na umaamot ng init at pang-unawa sa kaibigan na handang tumulong sa anumang oras.

‘‘Ayusin mo ang sarili at harapin ang papara-ting na bukas. Alam kong masakit ang pasya ni Pete na hindi ipakita ang dalawa mong anak pero huwag kang susuko. Malay mo, baka isang araw ay magkita-kita rin kayo. Malay mo, ang mga anak mo na ang gumawa ng paraan para kayo magkita. Hindi posible yun kaya huwag kang magmumukmok. Lagi naman akong narito para suporta-han ka. Okey, Jam?” Tinapik-tapik niya ang likod ng kaibigan.

Bumitaw sa pagkakayakap si Jam. Pinahid ang luha.

‘‘Paano kaya kung hindi kita na-ging kaibigan? Sino kaya ang tutulong at magmamalasakit sa akin?’’

‘‘Baka naman hindi ga­nito ang sitwasyon. Siyempre kaya tayo ang naging magkaibigan ay dahil may malalim na purpose.’’

‘‘Pero hindi ko talaga lubos maisip ang mga sinabi ni Pete laban sa akin. Ako ang sinisisi niya gayung siya ang unang gumawa ng pagkakamali.’’

“At wala siyang kagatul-gatol na sabihin iyon sa akin. Akala naman yata ay agad akong maniniwala. Akala yata ay kahapon lamang ako ipinanganak at walang kamuwang-muwang.’’

“Pero hindi mo nakita ang kabit niya sa bahay. Wala ka bang napansing tao roon?’’

“Wala. Parang kami lamang dalawa ang naroon. Wala nga akong narinig na ingay.’’

“Nasaan kaya ang ka-bit niya?’’

‘‘Baka umalis?’’

“Hindi kaya isinama ang mga anak ko? Hindi kaya namasyal o nanood ng sine?’’

“Hindi ko alam.’’

“Baka apihin ng babaing yun ang mga anak ko!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

AYUSIN

BUMITAW

HINDI

KAYA

MGA

PERO

SALAMAT MARIE

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with