^

True Confessions

Black Widow (68)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ISA lang ang anak ni Jose, Marie?’’ Tanong ni Jam habang nakaupo sa kama at pinagmamasdan si Marie habang may ipinapahid sa mukha. Nagtataka si Marie kung bakit nauwi kay Jose ang usapan­ nila ni Jam.

“Isa lang. Babae. Yun nga ang inihahatid at sundo sa school.’’

“Mabuti at hindi nag-aasawa. Ang mga lalaki madaling makahanap ng itim na pugad.’’

Nagtawa si Marie.

“Anong itim na pugad?’’

“Hindi mo alam ang itim na pugad?’’

“Itatanong ko ba kung alam ko.’’

“Ang itim na pugad ay simbolismo lamang. Babae ang ibig sabihin niyon. Madaling makakita ng babae ang lalaki kapag nabiyudo.’’

“Kahit nga hindi nabiyudo e madaling makakita ang mga lalaki di ba?”

“Oo. Gaya ng asawa ko. Nambababae na pala e hindi ko pa alam.’’

“Kaya alam na alam mo.’’

“Oo.’’

“At iyon ang dahilan kaya mo naitanong si Jose kung hindi pa ito nag-a­asawa muli?’’

“Oo.’’

“Hindi na yata mag-aasawa yun. Ayaw daw ng anak niya.’’

“Sundin kaya ang anak?’’

“Ewan ko.’’ “Pala­gay ko hindi. Bata pa si Jose.’’

“Matulog na tayo, Jam.’’

“Sige.’’

KINABUKASAN, nagkita na naman sina Marie at Jose sa waiting araw ng school nina Pau.

“Kumusta Marie?’’

“Oks lang.’’

“’Yung BFF mong si Jam, kumusta siya?”

“Okey lang. Sa bahay nga siya natulog.’’

“Bakit? Wala ba siyang family? Single pa.’’

“Hiwalay siya sa asawa­. May dalawa siyang anak.’’

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

ANONG

AYAW

BAKIT

BATA

EWAN

GAYA

HINDI

KUMUSTA MARIE

OO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with