SA bahay ni Marie natulog si Jam ng gabing iyon. Iyon ang unang pagkakataon na natulog doon si Jam. Sabik silang magkuwentuhan. Pawang tungkol sa buhay ni Jam ang naging topic nila. Si Jam naman ang may gustong ikuwento ng mga nangyari lalo na nga ang pagkakait sa kanya ng da-ting asawa na maipakita ang dalawang anak.
“Kung nakita ko lang sana ang dalawa kong anak nung nagpunta ako sa bahay nila, hindi ako magi-ging ganito kadesperada. Alam mo lahat ay naiisip kong gawin. Ano pa ang silbi ko ngayong pati mga anak ko ay hindi ko makita. Parang wala nang kuwenta ang lahat.’’
“Basta ang payo ko lang sa’yo, huwag kang bibigay --- alam mo na ang gusto kong sabihin – masarap mabuhay.’’
“Oo. Hindi ko kinakalimutan na masarap mabuhay.’’
“Salamat naman. Basta yun lagi ang isipin mo.’’
Napatangu-tango si Jam.
“Hindi naman sa sinisisi kita kaya lang lumalabas ngayon na ikaw ang kontrabida sa mga anak mo di ba, Jam?”
Napatango uli si Jam.
“Ang father nila na unang nangaliwa, ang siya ngayong lumalabas na inagrabyado.’’
“Tama ka Marie. Ako ngayon ang napakasama sa paningin nila.’’
“Sana hindi ka na gumawa ng anumang desisyon – hindi ka sana nakipagrelasyon sa iba. Nabuntis ka pa.’’
Napahinga nang malalim si Jam.
“Huwag ka namang magagalit at napag-uusapan lang yun. Halika na matulog na tayo,” yaya ni Marie.
“O akala ko magdamag tayong magkukuwentuhan.’’
“Ano pa bang pagku-kuwentuhan natin?’’
“Ang buhay mo naman. Yung mga latest sa buhay mo.’’
“Wala, Jam. Wala namang naiba.’’
“’Yung kaibigan mong si Jose?”
“Ano naman ang tungkol kay Jose?’’
“Paano nga kayo nagkakilala?”
“Di ba nasabi ko na.’’
Nag-isip si Jam.
Maya-maya ay nagsa-lita. “Guwapo si Jose ano. Hindi halayang biyudo.’’
(Itutuloy)