^

True Confessions

Black Widow (25)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SAAN nga tayo pupunta, Jam? Manonood ba ng sine?’’ Tanong ni Marie habang naglalakad sila palabas ng kanilang opisina, pasado alas singko ng hapon. Isang linggo nang pumapasok si Jam sa opisina mula nang payuhan niya. Mukhang nagbago ang pananaw ng kaibigan at natatanggap na ang ginawa ng asawa. Mula noon ay hindi naman nag-uurira si Marie tungkol sa asawa ni Jam. Mas mahalaga sa kanya ang kalagayan ni Jam na pawang kadiliman ang nakikita. Natutuwa siya at may nakita na siyang kislap sa mga mata nito.

“Basta sumama ka sa akin, Bru. Mamaya ka na magtanong kapag naroon na tayo sa panonoorin natin.’’

“Kung may panonoorin tayo, e teka at tatawag ako sa nanay ko at sasabihin kong gagabihin ako. Haha­napin kasi ako ni Pau. Ang alam niya dadaanan ko siya sa bahay ng lola niya.’’

“Sige tawagan mo na. Sabihin mo gagabihin ka.’’

“Kasi hindi mo sinabi na may panonoorin pala tayo. Sana nasabi ko sa nanay ko.’’

“Biglaan kasi. Sige, tawagan mo na ang nanay mo, Bru.’’

Tinawagan ni Marie ang kanyang nanay. Sinabi niyang may panonoorin sila ni Jam at gagabihin. Kinausap din niya ang anak na si Pau. Sabi ng kanyang anak, umuwi nang maaga at magpapatulong sa paggawa ng assignment. Nangako siya. “Kumain ka nang marami ha,” pahabol niya sa anak. Sa kanyang nanay umuuwi si Pau pagkagaling nito sa school. Malapit lang sa school nina Pau ang bahay ng kanyang nanay. Paglabas niya ng opisina, dadaanan niya si Pau at saka sila uuwi.

“O okey na, Marie?’’ Tanong ni Jam. Nasa waiting shed na sila. Doon sila maghihintay ng dyipni.

‘‘Okey na. Pero agahan natin dahil may gagawing assignment si Pau.’’

“Oo. Uuwi agad tayo.’’

“Ano bang title ng movie, Jam.’’

“Ano nga ba ‘yun. Na­li­mu­tan ko na ang title. Halika na nga at nang masapol natin ang panonoorin. Mag-uumpisa na e!’’

Tumawag ng taksi si Jam. May dumating agad. Sumakay sila. Sinabi ni Jam ang pupuntahan. Prente naman si Marie sa pagkakaupo. Hinayaan niya ang kaibigan.

Wala pang 30 minutes ay nakarating na sila sa pupuntahan.

“Halika na, Marie.’’

Bumaba sila.

“Ano bang lugar ito?’’

Nasa harap sila ng isang club. Kumukutitap ang ilaw. Nabasa ni Marie ang pangalan ng club: KAYUMANGGING IBON.

“Halika na sa loob?’’ Sabi ni Jam.

“Jam, ano ito ah!’’

Hinila na siya ni Jam.

Pagpasok, nakita agad ni Marie ang dalawang lalaking nasa stage. Lumiliyad-liyad at ipinakikita ang abs. Kapiranggot ang saplot.

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

BRU

HALIKA

JAM

MARIE

NIYA

SABI

SIGE

SILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with