“PASENSIYA ka na Marie, maurirat ako,’’ sabi ni Jam nang mapansin na nahihirapang sumagot si Marie ukol sa pagiging mabiyudahin nito. ‘‘Curious lang talaga ako lalo nang sabihin mo na 10 taon ang pagitan nang mamatay ang iyong mga asawa. Nagkataon lang kaya iyon?’’
‘‘Hindi ko nga maintindihan Jam. Laging eksakto na 10 taon ay namamatay ang aking asawa.’’
“Sino nga ang una mong husband?’’
‘‘Si Franco.’’
‘‘Hindi kayo nagkaanak ni Franco ano?’’
‘‘Hindi.’’
‘‘Ano ngang ikinamatay niya?’’
‘‘Bangungot.’’
“Anong age niya nang mamatay?’’
‘‘Twenty six.’’
“Batambata pa.’’
‘‘Oo nga. Tatlong taon lang kaming naging nagsama. Ang masakit pa, malayo kami sa isa’t isa nang mangyari iyon. Nasa Saudi siya. Engineer sa Aramco. Natagpuan na lang ng kasama niya na hindi kumikilos kinabukasan. Pakiramdam ko noon, katapusan na ng mundo,’’ sabi at natahimik si Marie. Nagsalita uli pagkatapos. “Pero muli akong umibig. Nakilala ko naman si Jonathan. Biyudo rin. Nagpakasal kami. Hindi rin kami nagkaroon ng anak. Namatay din siya after magsama kami ng 10 years. Thirty five ako noon.’’
“Ano namang ikinamatay ni Jonathan?’’
“Stroke. Tumaas ang BP. Biglang-bigla.’’
“Anong age siya?”
“Forty.’’
“Tapos eto ngang pa-ngatlo ay si Mark?’’
‘‘Oo. Atake naman sa puso.’’
“Sa tatlo kay Mark ka nagkaanak.’’
“Oo. Isa. Kaya pakiramdam ko, pinakamahal ko si Mark kasi nga naiwanan niya ako ng remembrance.’’
“Ba’t kaya hindi ka nagkaanak kay Franco at Jonathan?’’
“Hindi ko alam. Nagtataka nga rin ako.’’
“Edad 45 ka na nga-yon?’’
‘‘Oo.’’
“Ibig sabihin kung totoo ang pattern, sa edad mong 55 ay mabibiyuda ka uli. Iyon ay kung mag-aasawa ka uli?’’
Napahinga na naman si Marie. Hindi nga siya makapagsalita nang tapos.
“Baka naman nagkataon lang ‘yun,’’ sabi ni Jam at tinitigan si Marie.
‘‘Palagay ko, mag-aasawa ka uli. Ang ganda mo kasi. Hindi ka halatang 45. Marami pa ring maglalaway sa’yo. Ang alam ko, maraming kasamahan nating lalaki ang nalalaglag ang brief sa’yo.’’
Nagtawa si Marie. Palabiro talaga si Jam.
Tinapos nila ang pagmemeryenda at nagbalik sa opisina.
Sa pag-iisa ni Marie, lalo na sa gabi, tinatanong niya ang sarili, bakit nga kaya lagi siyang namamatayan ng asawa. Bakit lagi siyang nabibiyuda?
(Itutuloy)