Kastilaloy (191)

“ITINAGO ko ang kuwintas na ito pero nakita rin ng hayup. Ito na kasi ang kahuli-hulihang alahas. Paano mo ito narekober, Garet?’’ Tanong ni Mama Julia habang hawak ang kuwintas.

“Sa maid ni Tita Carmina. Iniregalo ito ni Geof para mabilis na mauto ang maid.’’

“Hayup talaga!’’

“Pero balak din pala niyang aswangin ang maid dahil nang nabobola na niya ito, kung anu-anong kahalayan ang gustong gawin.’’

“Bakit naman niya naisipang lapitan ang maid ni Carmina?’’

“Dahil sa alahas ni Kastilaloy. Gusto niyang malaman kay Gina kung saan ako nakatira at ganundin si Gaude. Naniniwala kasi siya na nasa akin ang mga alahas ni Kastilaloy.’’

“Pati alahas pinag-interesan na rin ng hayup na ‘yun?’’

“Lahat ay pag-iin­teresan niya dahil natakawan na siya. Nakatikim kasi siya nang kasaganaan sa piling mo at hindi matanggap nang mamulubi ka na.”

“Nalaman ba niya ang kinaroroonan ng alahas ni Kastilaloy?’’

“Hindi! Naitago namin ni Gaude. Nalaman namin ang balak niya.’’

“Mabuti naman. Akala ko pati yun ay nakuha.’’

“Nang bumalik siya sa bahay ni Tita Carmina para muling utuin si Gina, dun na siya nahuli. Mismong si Tita Carmina ang nakahuli. Pinagtulungan siyang bugbugin ni Tita Carmina at Gina. Hindi nakapanlaban si Geof. Iginapos pa siya ng dalawa. Hanggang sa dumating na ang mga pulis. Kinasuhan at nakakulong na siya ngayon.’’

“Natapos ang kasamaan niya.’’

“Nang mahuli si Geof, parang nabunutan ako ng tinik dahil alam kong ligtas ka na rin ‘Ma.’’

Napangiti si Mama Julia.

“Isuot mo na ang kuwintas na ‘yan ‘Ma. Alam kong mahalaga sa’yo ‘yan.’’

Isinuot ni Mama Julia.

Bagay na bagay sa kanya.

“Akala ko hindi na maibabalik sa akin ito. Totoo ang sinabi mo Garet, mahalaga ito sa akin.’’

“Lahat nang mga nawala sa iyo ay ma­ibabalik. Hayaan mo at gagawin ko ang lahat para maibalik sa atin ang bahay. Alam ko, maha­laga sa iyo ang bahay na pinundar ni Papa.’’

“Salamat Garet.’’

“(Itutuloy)­

Show comments