Kastilaloy (187)

(Sequel ng Sinsilyo)

DINALA ni Garet at Gaude sa isang ospital si Mama Julia. Ipina-confine na nila para ganap na masuri. Malaki ang naging epekto kay Mama Julia ng depression at pagkalulong sa alak. Pero sabi espes-yalista, madali lang makakarekober si Mama Julia. Walang dapat alalahanin si Garet. Nagliwanag ang mukha ni Garet sa report ng doctor.

Nakabantay si Garet sa ina. Hindi na halos umaalis sa tabi nito. Sinusulit ang mga panahong nagkawalay sila. Paulit-ulit naman ang paghingi ng tawad ni Mama Julia sa anak.

“Nasira ang relasyon natin dahil sa kagagahan ko. Sorry sa nagawa ko, Garet. Sorry talaga.’’

“Maari pa namang buuin ang nasira, Mama. Di ba sabi ni Papa noon, lahat naman ay maaa-ring mabuo ang relasyon kung magpapatawaran ang bawat isa.’’

“Bakit nga nasabi ng Papa mo ‘yun?’’

“Meron kasi siyang hinawakang kaso na sangkot ang mga miyembro ng pamilya. Parang hatian sa mana. Nag-away-away. Nasira ang pamilya. Nabanggit niya iyon minsang nagkuwentuhan tayong tatlo. Nasa high school na yata ako nun. Example niya iyon ukol sa pagpapatawad.’’

Natahimik si Mama Julia. Nag-isip.

“Marami akong naga-wang mali. Pero tama ka, Garet, maaari pa namang buuin ang anumang nasira.’’

“Muling tayong sasaya, Mama. Di ba dati namang masaya tayo at laging    nagkukuwentuhan.’’

“Oo. Gusto kong mai-balik iyon.’’

Hinawakan ni Garet   ang kamay ng kanyang mama at pinisil.

“Gusto ko sana Garet, makuhang muli ang ating bahay na naremata. Posible kaya ‘yun?’’

“Ita­ta­nong ko Ma­ma. Don’t worry, ga­gawin ko ang lahat para mai-balik sa atin ang bahay.’’

“Sala­mat Garet. Makakatulog na ako nang mahimbing.’’

“Siyanga pala Mama, ano nga pala ang nangyari at bakit nasa loob ka pa ng bahay gayung na-foreclosed na ng banko. Paano ka nakapasok sa loob e may kandado sa gate?’’

“Hindi ko na malaman kung bakit nakabalik ako sa bahay, Garet. Basta, ilang araw nang ako pala­buy-laboy at nagugutom. Wala akong direksiyon. Hanggang sa makarating ako sa bahay natin. Binubuksan ko ang pintuan sa likod at pumasok.’’

“Kaya pala ganun na lamang lakas ng kutob ko. Naisip kong bigla na nasa loob  ka. Ang ikinatakot ko nga, baka kung ano ang ginawa sa’yo ng hayup na si Geof…’’

Nang marinig ang pa­nga­lan ni Geof ay su­mer­yoso ang mukha. Halatang malaki ang galit.

“Paano kayo naghiwalay ng hayup na ‘yun? Anong ginawa sa’yo?’’

Umiyak si Mama Julia.

(Itutuloy)

Show comments