^

True Confessions

Kastilaloy (186)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng SInsilyo)

NANG makarating sila sa second floor, tumakbo na si Garet sa pinanggalingan ng ingay. Kabisado na ng mga paa niya kung saan pupunta. Nasa likod niya si Gaude at nakaalalay.

Isang saradong kuwarto sa dakong kanan ang tinungo ni Garet. Mabilis na binuksan. Dumeretso sa loob. At nakita roon ang hinahanap.

‘‘Mama!’’ Malakas ang pagkakasabi ni Garet na halos pumu­no sa loob nang mala-king kuwarto na halos masaid na rin ang mga gamit.

Nakita nila si Mama Julia na nakahiga sa maruming kama. Nanlilimahid ito at halatang mahina ang katawan. Walang ipinagkaiba sa mga babaing palabuy-laboy sa kalsada.

Bakas sa mukha ni Mama Julia ang pag-kabigla. Hindi inaasahan ang pagdating ni Garet.

“Mama!” Nasabi muli ni Garet nang nakalapit sa ina at niyakap ito. Mahigpit na niyakap at pinaghahalikan. Si Mama Julia ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Parang galing sa pagkakatulog at naalimpungatan. Hanggang sa unti-unting magbalik sa kasaluku-yan. Ganap na nadama ang matinding init na dulot nang pagyakap ng anak.

“Garet,” nasabi nito at saka ito naman ang mahigpit na yumakap. Ginantihan ang yakap ni Garet at saka buong kapakumbabaang sinabi, “Sorry!” At saka umiyak.

Ilang saglit silang nanatiling magkayakap. Sapat na iyon para lubos na magkapatawaran. Nawala na ang hinanakit ni Garet sa pagtanggap ng ina.

“Sabi ko na nga ba at narito ka! Malakas ang kutob ko!”

“Paano mo nalaman na narito ako?’’

“Malakas nga ang kutob ko. Biglang-bigla naisip ko na baka narito ka at totoo nga!’’

Napatingin si Mama Julia kay Gaude.

Ipinakilala ni Garet si Gaude sa ina.

“’Ma, siya si Gaude. Yung nag-alaga kay Kastilaloy. Remember?

Nang marinig ni Ma-ma Julia si Kastilaloy ay kumislap ang mga mata.

‘‘Oo, natatandaan ko. Di ba siya ang nag-alaga sa libingan ni Kastilaloy?’’

‘‘Oo. Siya ang tumulong sa akin sa paghahanap sa’yo at sa iba pa. Malaki ang nagawa niya sa akin sa panahon na nagkalayo tayo.’’

Binalingan ni Mama Julia si Gaude.

‘‘Salamat, Gaude. Salamat sa lahat nang ginawa mo kay Garet.’’

‘‘Wala pong anuman,’’ sabi at niyakap si Mama Julia.

Pagkaraan ay nagpasya na silang umalis.

‘‘Dadalhin ka namin sa ospital, Mama. Kailangang ma-check-up ka. Pagkatapos ay sa condo ka na titira,’’

(Itutuloy)

ACIRC

ANG

BIGLANG

GARET

JULIA

KASTILALOY

MALAKAS

MAMA

MAMA JULIA

OO

SI MAMA JULIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with