Kastilaloy (170)
“OO, hindi ko nalilimutan yun, ikaw pa?’’ sabi ni Geof na nakangisi at nakatitig sa dakong dibdib ni Gina.
“Di ba sabi mo Kuya kapag nakuha mo ang kayamanan, hati tayo?’’
“Ha? A oo, hati tayo.’’
“Tapos lalayo tayo Kuya? Saan tayo pupunta?’’
“Basta sa malayo. Gusto mo sa abroad. Di ba hindi ka pa nakakasakay sa eroplano?’’
“Oo Kuya. Gusto ko ring bumili ng cell phone at mapadalhan ng pera ang aking mga magulang sa probinsiya.’’
“Makakabili ka ng cell phone at mapapadalhan mo ng pera ang mga magulang mo kapag nakuha ko na ang kayamanan ni Kastilaloy.’’
“Marami raw yun Kuya sabi ni Gaude.’’
‘‘E di mas maganda, he-he-he!’’
“Kailan mo kukunin Kuya?’’
“Bukas. Huhukayin ko bukas.’’
“Pagnahukay mo Kuya pupunta ka rito para ibigay sa akin ang kalahati?’’
“Ha? A oo, pupunta ako rito. Isasama na kita para makalayo tayo. Kaya ihanda mo na ang mga damit mo at pupuntahan kita rito.’’
“Sige Kuya.’’
‘‘Pero may hihilingin ako sa’yo Gina.’’
“Ano Kuya?’’
Ibinulong ni Geof.’
‘‘Ay ang bastos ni Kuya. Saka na lang yun. Kapag nahukay mo na ang alahas.’’
“Sige na Gina. Bukas ay mayaman na tayo.’’
“Huwag Kuya. Saka na lang. At saka nakakahalik ka na sa akin nun. Ang tagal nga nang paghalik mo.’’
‘‘Kahit sandali lang Gina. Para hipo lang naman.’’
‘‘Huwag Kuya. Kung gusto mo halik na lang uli.’’
“Sige halik na lang uli, ayaw mo eh.’’
‘‘Pag nakuha mo na ang alahas, Kuya. Saka di ba magsasama na tayo?’’
“A oo.’’
‘‘Baka may asawa ka Kuya.”
‘‘Dati may asawa ako pero iniwan ko na. Matanda na kasi at namulubi na.’’
Nag-isip si Gina.
“Pahalik na!’’
Hinalikan ni Geof ang maid. Katulad nang unang halikan, idiniin ang paghalik. Hayok na hayok si Geof. Parang asong gutom.
Pumiglas si Gina.
“Tama na Kuya!’’
Bumitiw si Geof.
“Sige aalis na ako.’’
‘‘Bumalik ka bukas Kuya. Ihahanda ko na ang mga damit ko.’’
“Oo sige.’’
Pero kabaliktaran niyon ang nasa isip niya. Hindi na kita babalikan. Sosolohin ko na ang mga alahas. Sa akin lang ang mga iyon!
Lumabas na ng bahay si Geof.
KINABUKASAN, maagang-maagang nagtu-ngo si Geof sa memorial park na kinalilibingan ni Kastilaloy. Dahil sa mga impormasyong nakuha kay Gina, madali niyang natunton ang musuleo.
Napangiti siya nang makita ang magandang libingan.
Hindi siya nahirapang makapasok sapagkat walang kandado ang musuleo.
Agad niyang nakita ang bahaging kinalalagyan ng mga alahas. Malapit iyon sa nitso.
Inilabas niya ang sinsil at martilyo. Sinimulang tiktikin ang takip ng butas.
(Itutuloy)
- Latest