PARA makumpleto ang impormasyon ukol sa kinaroroonan ng mga alahas, ipinari-nig din nina Garet at Gaude kay Gina ang eksaktong lugar ng memorial park na kinahihimlayan ni Kastilaloy. Kunwari ay patay malisya sila sa ginagawang pakikinig ni Gina. Wala na silang inilihim sa alahas at alam ng dalawa, narinig lahat ni Gina ang kanilang pinag-usapan.
Lumayo lamang si Gina nang ibaling na ni Garet at Gaude ang pag-uusap sa ibang bagay. Nagtinginan ang dalawa nang makalayo na si Gina. At nag-usap nang halos pabulong para hindi marinig ni Gina.
“Sa palagay mo, narinig lahat ni Gina ang pinag-usapan natin, Gaude?’’
“Oo. Malakas at malinaw na malinaw ang pinag-usapan natin kaya siguradong nasagap niya lahat.’’
“Tiyak na pupunta-han siya rito ni Geof para alamin kung ano ang narinig.’’
“At pagnalaman niya, pupuntahan na niya ang alahas para hukayin.’’
“Yun ang dapat na-ting bantayan. Kaila-ngang mahuli natin sa akto si Geof. Kaila-ngang matapos na ang kawalanghiyaan niya.’’
“Sige, Garet, nasa likod mo ako. Gusto ko na ring matapos ang mga pagwo-worry mo ukol sa iyong ina.’’
“Kapag nahuli natin si Geof, ipamumukha ko kay Mama kung anong klaseng lalaki ang minahal niya. Dahil sa lalaking iyon nasira ang relasyon naming mag-ina.’’
Tinapik-tapik ni Gaude sa braso si Garet. Ramdam niya, iiyak na naman si Garet.
KINABUKASAN, dumating si Geof sa ba-hay ni Carmina. Tama ang hula nina Garet.
“Ano Gina may narinig ka na ba ukol sa alahas?”
“Oo, Kuya. Alam ko na kung nasaan ang alahas ni Kastilaloy.”
“Saan? Saan Gina?’’
“Nasa musuleo ni Kastilaloy. Nakabaon malapit sa nitso!’’
“Talaga? Saan ang libingan ni Kastilaloy at pupuntahan ko?’’
Sinabi ni Gina.
“Bukas pupunta ako roon at huhukayin ko!”
“Marami raw ‘yun Kuya!”
“Okey lang. Mas marami mas maganda.’’
“Kuya yung pangako mo!’’
Napangisi si Geof.
(Itutuloy)