NANG magtungo si Gaude sa bahay ni Carmina, pinag-usapan nila ni Garet ang ukol sa closed-circuit television (CCTV) camera na solusyon para mahuli ang taong pinaghihinalaan nilang kasapakat ni Gina. Ma-ingat na maingat sila sa pag-uusap at baka mari-nig ni Gina.
“Palagay ko CCTV nga lang ang dapat sa bahay na ito, Garet.’’
“Kailangang malaman ni Tita Carmina. Palagay ko papayag siya kapag sinabi ko ang mga hinala.’’
“Pero ayaw ba talagang magtapat ni Gina kung saan galing ang kuwintas?’’
“Ayaw talaga. Sa lola raw niya galing iyon. Binibili ko nga pero ayaw pa rin. Lahat ay ginawa ko para may sabihin pero ayaw talaga.’’
“Dapat nga CCTV para makita kung sino ang kasapakat niya.’’
“Pero palagay ko nabilog lang ang ulo ni Gina. Madali kasing utuin si Gina.’’
“Siguro, maraming pinangako ang kasapakat. Baka sinabing bibigyan nang maraming pera o kahit ano.’’
“Puwede. Ang pinagtataka ko lang ay ano ang tunay na motibo at kaila-ngang gawin ang ganito.”
“Sabi ko nga sa’yo baka ang alahas ni Kastilaloy. Wala namang iba pang pag-iinteresan kundi iyon.’’
‘‘Pero nakapagtataka naman kung paano nagkaroon ng ideya ang taong iyon.’’
“Di ba ang sabi mo may mga naiwan kang gamit sa kuwarto mo, malay mo na-halungkat iyon ng ka-livein ng mommy mo --- ni Geof. May mga naiwan ka bang address o anumang lead?’’
Nag-isip si Garet.
Napahinga pagkatapos.
“Parang naiwan ko ang address ni Tita Carmina. Nakaipit yata ang address sa libro o notebook ko.’’
“Yun ang dahilan kaya natunton ito ni Geof. May interes siya sa mga alahas ni Kastilaloy. At kaya naman ako tinatanong ni Gina kung saan nakatira ay dahil gustong nakawin ang alahas. Parang nakasisiguro na nasa akin ang mga alahas.’’
Hanggang may maisip si Garet.
“Ano kaya at magkunwari tayo na walang nalalaman ukol kay Gina. Mag-uusap tayo habang nakikinig si Gina at ang tungkol sa alahas ang ating topic. Iparinig natin na ang alahas ay nasa musuleo ni Kastilaloy – doon nakatago.’’
“Paano kung nakawin na nga.’’
“Siyempre aalisin natin. Lalagyan natin ng pekeng alahas ang nakabaon sa musuleo…”
(Itutuloy)