^

True Confessions

Kastilaloy (36)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAG-ALALA si Garet sa ginagawa ng kanyang Mama. Ngayong tiyak niyang lalaki ang kausap nito sa phone, maaaring dumating ang araw na sabihin nito sa kanya na mag-aasawa siya. Sa mga narinig niya sa pakikipag-usap nito sa telepono, mukhang nabobola na ng ka­usap. At kilig na kilig habang nakikipag-usap ito sa lalaki.

Kanina nang sabihin ng kanyang Mama na aalis dahil may importanteng pupuntahan, gusto na niyang sumbatan na lalaki ang dahilan kaya ito aalis. Pero nagpigil siya. Sino ba siya para kuwestiyu­nin ang kanyang ina? Biyuda na naman ito. Ang masakit lang para sa kanya, masyadong maaga pa para lu­mandi. Mahigit isang taon pa lamang namamatay ang kanyang papa at papalitan na. Hanggang sa maisip ni Garet ang si­nabi ni Tita Carmina na mahilig sa la­laki ang kanyang Mama. Parang totoo nga. Parang hindi mabubuhay nang walang lalaki. At sa edad na 50 ay parang tinedyer kung kiligin habang nakikipag-usap sa la­laki sa telepono. At ano kaya ang sinasabi kanina na huwag daw mamroblema sa pera. Siya raw ang bahala roon. Hindi kaya sugar mommy na ang mama niya? At naisip ni Garet, sana kung gugusto ang kanyang mama, dapat sa kaedad niya. Kakahiya kung mas bata ang lalaki.

Hanggang sa iwaksi ni Garet ang isiping iyon. Bahala na nga ang mama niya kung ano ang gawin sa sarili niya. Hindi na siya bata.

Hinarap niya ang sinusulat na kasaysayan ni Kastilaloy. Nakakailang pahina na siya.

Hanggang sa ipasya niyang dalawin ang libingan ni Dionisio Polavieja alyas Kastilaloy. Baka may makuha siyang bagong info.

Pero nabigo siya. Wala nang dumadalaw sa musuleo ni Kastilaloy. Marami nang tumutubong damo sa paligid at mga laglag na dahon.

(Itutuloy)

BAHALA

BIYUDA

DIONISIO POLAVIEJA

GARET

HANGGANG

KASTILALOY

PERO

SIYA

TITA CARMINA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with