^

True Confessions

Kastilaloy (33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HUWAG na nga nating pag-usapan ang mama mo Garet,” sabi ni Carmina nang mapansing natigilan si Garet makaraan sabihin niyang mahilig sa lalaki ang mama nito. Tila napapahiya siya kay Garet.

“Okey lang po Tita. Don’t worry. Ako naman ang mapilit kaya ka nagkukuwento ukol kay Mama.’’

“Ang mabuti pa ay kumain na lang tayo,” sabi ni Carmina at tinawag ang katulong. Nagpakuha ng ensaymada at kape. Pero bago nakaalis ang katulong ay may tinanong kay Garet.

“Teka, Garet, juice ba ang gusto mo o coffee?’’

“Coffee Tita.’’

“Parehas pala tayong maka-kape,” sabi at saka binalingan ang katulong na dalawang coffee ang timplahin.

Pagkatapos ay buma-ling kay Garet. “So, Creative Writing pala ang natapos mo. Mana ka siguro sa papa mo. I remember, staff member ng college paper ang papa mo. Sinabi niya sa akin noon.’’

“Opo Tita. Naikuwento po niya sa akin iyon. Pati po yung pagiging writer niya sa law journal. Pero wala pong nabanggit sa love life niya.’’

Napangiti si Carmina.

“Malihim pagdating dun.’’

Napatingin si Garet kay Carmina.

“Hindi ka ba nalulungkot Tita, ikaw lang at ang katulong ang narito.”

“Hindi naman. Busy din kasi. Mayroon akong mina-manage na negosyo – bakeshop – medyo kumikita na.’

“Ah kaya pala ang sarap ng ensaymada mo…”

“Thanks.’’

“Mabuti ka pa at busy sa negosyo. Si Mama hindi. Wala siyang pinagkakaabalahan.’’

“Hindi naman kailangang magpakaabala ng mama mo. Alam ko, marami siyang namana. Kahit hindi siya magtrabaho, hindi siya magugutom. Maski ikaw, hindi ka magugutom dahil ipamamana yun sa’yo.’’

“Hindi ko inaasam yun Tita.’’

“Tingin ko nga. Kasi ang simple-simple mong babae. Para kang papa mo.’’

Napangiti lang si Garet. Hanggang may itinanong ito pagkaraan.

“Tita, bakit wala kayong anak ng naging husband mo – ni Troy?’’

“Isa sa amin ang may deperensiya.’’

“Sino po sa inyo?’’

“Palagay ko si Troy. Kasi niyaya ko siyang magpa-checkup. Ayaw niya. Hula ko, ayaw niyang ma-laman ang katotohanan.’’

Napatango na lang si Garet.

Makaraan ang isang oras, nagpaalam na si Garet.

“Dalawin mo ulit ako. Ipapasyal kita sa bakeshop ko sa Katipunan.’’

“Sure Tita.’’

HINDI nagkukuwento si Garet sa kanyang mama ukol sa mga napagkuwentuhan nila ni Carmina.

Tila walang interes ang kanyang mama. Iba ang interes nito, napansin ni Garet. Laging may kausap sa cell phone.

Nagtataka si Garet. Hindi kaya lalaki ang kausap?

(Itutuloy)

CARMINA

COFFEE TITA

CREATIVE WRITING

GARET

KASI

MAMA

NAPANGITI

TITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with