^

True Confessions

Kastilaloy (28)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Sequel ng Sinsilyo)

‘‘TALAGANG walang naikukuwento ang mommy mo --- teka mommy ba ang tawag mo o mama?’’ tanong ni Carmina.

‘‘Mama po. Iyon po ang nakagisnan ko.’’

‘‘Ah okey. Wala bang naikukuwento sa’yo ang mama mo ukol sa pagiging magkaribal namin noon  kay Ave Buenviaje – sa papa mo ?’

‘‘Wala po Tita. Sa iyo ko nga lang po nalaman na magkaklase kayo noong nasa kolehiyo at iisa ang naging crush.’’

‘‘Maski ang papa   mo noong nabubuhay pa, walang sinasabi.’’

‘‘Wala po.’’

‘‘Sabagay, baka ma­ungkat pa ang mga nakaraan. Paano kung hindi tayo nagkakila­la e di hindi mo nalaman ang mga nangyari noon.’’

‘‘Oo nga po. Kaya nga po siguro ganun na lamang ang pagpupursigi ko na makita ka. Iyon pala marami akong  malalaman. Alam mo, Tita, gusto kong isulat ang mga nangyayaring ito.’’

‘‘Writer ka ba?’’

‘‘Opo.’’

‘‘Galing ah. Sa UP ka siguro.’

‘‘Opo. Malikhaing Pagsulat po.’’

‘‘Wow! Tamang-ta­ma. Pagkatapos mong marinig ang mga iku­kuwento ko, baka makasulat ka na ng isang nobela.’’

‘‘’Yan nga po ang gagawin ko. Ang balak ko po talaga, kuwento lang ni Dionisio Polavieja o Kastilaloy ang isusulat ko pero ngayon po, lumawak na. Istorya mo na po at ni Mama ang baka gawin ko.’’

Nagtawa si Carmina.

Pagkaraan ay pi-nagmasdan si Garet.

‘‘Kamukhang-kamukha mo ang papa mo. Siguro kung hindi siya inagaw sa akin ng mama mo, baka ikaw ang anak ko.’’

Gimbal si Garet.

‘‘Inagaw po ni Ma-ma si Papa sa inyo.’’

‘‘Oo. May plano na nga kami. Pero isang araw, biglang nawala ang plano. Naagaw na sa akin. Alam ko, walang kasalanan ang Papa mo. Hindi ko nga siya sinisi pagkaraan ng mga nangyari. Alam ko ang mama mo ang may kasalanan.’’

(Itutuloy)

ALAM

AVE BUENVIAJE

CARMINA

DIONISIO POLAVIEJA

GARET

IYON

MALIKHAING PAGSULAT

OO

WALA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with