Sinsilyo (240)

“H-Hindi a-ako d-dapat n-nakinig kay Lyka at Tata Dune,” sabi ni Mau na na-ngingilid ang luha.

Nakatingin lang si Gaude.

“K-kung h-hindi pa ako nasunog, hindi ko mala-laman ang lahat nang kawalanghiyaang ginawa sa akin nina Lyka at Tatang Dune. M-Masyado kitang kinawawa Gaude. Mabuti at hindi kita napatay. Mala-king kasalanan ang nagawa ko kung nagkataon. Kaya mo pa ba akong patawarin sa lahat nang nagawa ko, Gaude.’’

“Matagal na kitang na­patawad, Tito Mau.’’

“S-salamat, Gaude. Napakabait mo.’’

“Alam ko naman kasi, Tito na natangay ka lang ng mga sumbong ni Tiya Lyka at Lolo Dune. Alam ko namang mabait ka.’’

“S-salamat, Gaude.’’

Natigil sila sa pag-uusap nang pumasok si Lolo Kandoy. May dalang mga prutas.

“Gising ka na pala Mau. Eto, bumili ako ng mga prutas. Mahusay ang prutas para madaling gumaling ang mga sugat sa mukha mo.’’

“S-salamat, Tata Kandoy. A-akala ko kung saan ka nagpunta. A-akala ko, namalimos ka na naman. H-huwag ka nang magpapalimos ha? Marami akong pera sa banko.’’

“Hindi na nga, Mau. Ayaw ko na rin kasi, matanda na ako. Alam mo bang may na­­sagasaang matanda sa España kanto ng Lacson. Nagpapalimos. Nahagip ng mga kumakaliwang sasak-yan sa Lacson. Patay agad!’’

“K-kaya n-nga huwag ka n-nang magpapalimos. Pati ang iba pang mga matatanda, sabihan mo huwag nang mamalimos. Nasaan nga pala sila --- yung iba pang ma­tatanda?’’

“Nasa covered court pa ng bara-ngay. Maayos naman sila roon. Pinakakain ng DSWD.’’

“S-sabihin mo sa kanila, paggaling ko, magpapagawa ako ng bagong bahay – malaki. Para maraming tumuloy na matanda. Maghintay lang sila.’’

“Oo sasabihin ko sa ka­nila na magpapagawa ka ng condo, he-he-he! Siyanga pala, Mau, binakuran ko ang lote nating nasunog at baka iskuwatan. Alam mo na rito sa Maynila, may mabakante lang e iiskuwatan na.’’

“M-mabuti n-naman, Tata Kandoy at binakuran mo. P-paggaling ko, magpapagawa tayo ng malaking bahay.’’

Nakatingin sina Gaude at Tata Kandoy kay Mau. Sa isip ng dalawa, mukhang maraming pera si Mau. Saan kaya galing?

 

ISANG umaga, nagtaka si Mau nang makitang si Gaude ang nagbabantay sa kanya. Magaling na mga sugat niya sa mukha pero nag-iwan ng pangit na pilat. Kaawa-awa ang anyo niya.

“B-bakit hindi ka pumasok Gaude?”

“Ako po ang magbabantay sa’yo may pinuntahan si Lolo Kandoy.’’

“Ah g-ganun ba.’’

Maya-maya, tinawag ni Mau si Gaude.

“M-may sasabihin ako sa’yo mahalaga, Gaude.’’

“Ano po ‘yun?”

(Itutuloy)

Show comments