^

True Confessions

Sinsilyo (219)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG hawak ni Kastilaloy ang kandila ay iniisip nito kung saan ipupuwesto ang kandila. Sa may bintanang malapit sa kuwarto nina Mau at Lyka. May mahabang kurtina ang bintana na halos humalik na sa suwelo. Kapag natumba ang kandila sa pagkakatusok sa suwelo, tiyak na babagsak sa kurtina at magliliyab iyon. Lalamunin ang buong kurtina at kakalat na ang apoy sa buong kabahayan. At palibhasa’y gawa sa kahoy ang buong bahay, mabilis kakalat ang apoy. Tupok agad.

Itinakda ni Kastilaloy ang pagsasagawa ng krimen dakong alas dos ng madaling araw. Ang alas dos ang pinakamahim-bing na tulog ng mga tao. Walang makakamalay sapagkat masarap na masarap ang pagtulog.

Pinagmasdan ni Kastilaloy ang kandila. Saka napangisi. Ang kandilang ito ang magbibigay sa kanya ng pagkakataon para masarili na si Lyka. Isang sindi lang pala ang katapat para makuha si Lyka, ha-ha! Bakit ba hindi pa noon niya ginawa ang pagsunog para nakuha na niya si Lyka.

Nasa ganoong pag-iisip si Kastilaloy nang makarinig siya ng katok at pagtawag sa labas ng pinto.

“Tatang Dune! Tatang!”

Si Lyka!

Dali-daling binuksan ni Kastilaloy ang pinto.

“O Lyka, bakit?”

Pumasok si Lyka. Hindi na nito isinara ang pinto. “Darating si Mau bukas, ihanda mo na ang gagamitin sa pagsunog!”

“Nakahanda na ako. Eto o!” Dinampot ang kandila at pinakita kay Lyka.

“Okey! Sige.’’

“Anong oras ang dating?’’

“Gabi. Mga alas otso raw!”

“Baka umalis din agad ang punyeta!”

“Hindi! Dito matutulog si Mau.’’

“Tamang-tama. Alas dos ko gagawin ang pagsunog!”

“Basta yung usapan natin ha? Wala akong alam diyan!”

“Oo. Relaks kang lang. Basta pag nagawa ko, magsasama na tayo.”

“Oo, pangako!”

Wala namang kamalay-malay ang dalawa na nakasubaybay palang muli si Tatang Kandoy sa kanila at dinig na dinig nito ang usapan ng dalawa. Susunugin pala ang bahay ng alas dos ng madaling araw.

Baliw na talaga si Kastilaloy at naging sunud-sunuran na kay Lyka. Gagawin ang lahat kahit pa pumatay ng tao.

Agad na umalis si Kandoy para makagawa ng paraan.

Sasabihan niya ang mga matatanda para makaalis na agad sa bahay na ito. Ililigtas niya ang lahat. Pati ang mga naipon niyang mga sinsilyo ay kailangang mailabas na niya. Bago pa mangyari ang sunog na gagawin ni Kastilaloy bukas ng madaling araw, kaila-ngang nakaalis na sila rito.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANONG

KASTILALOY

LYKA

O LYKA

OO

SI LYKA

TATANG DUNE

TATANG KANDOY

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with