^

True Confessions

Sinsilyo (201)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT hindi mo pinigilan sa pag-alis?’’ tanong ni Tatang Dune Kastilaloy kay Lyka.

Bumangon naman si Lyka at naupo sa gilid ng kama, katabi ni Kastilaloy. Humikbi si Lyka. Parang bubuhos na ulan ang luha.

“Kung alam mong makikipagkita sa babae, bakit hindi mo kinumpronta? Bakit hindi mo pinigilan sa pakikipagkita?”

“Hindi ko kaya Tatang Dune. At saka baka saktan ako. Sinasaktan niya ako, Tatang, matagal na!”

Napamaang si Kastilaloy. Sinasaktan pala si Lyka ni Mau. Akala niya mabait si Mau. Bakit niya naaatim na saktan si Lyka.

“Noon ka pa sinasaktan ni Mau?”

“Opo, Tatang.’’

“Aba estupido rin pala si Mau.”

Napaiyak na si Lyka. Parang buhos ng ulan ang bumukal sa mga mata. Umagos sa pisngi. Nakatitig si Kastilaloy sa umaagos na luha sa pisngi ni Lyka. Nakita niya ang pagbagsak ng luha sa sapin ng kama. Naaawa siya kay Lyka.

“Nasaan ang babae?’’

“Hindi ko po alam kung nasaan. Basta ang alam ko lang, magkikita sila ngayon. Mayroon na silang usapan. Iyon ang dahilan kaya big­lang umalis si Mau. Hindi sa trabaho ang dahilan kaya siya umalis kundi dahil sa babae niya. Akala niya hindi ko alam kung saan siya pupunta.’’

“Ano ang paalam sa’yo?’’

“Pupunta sa trabaho.”

“Saan ba siya nagtatrabaho?”

“Hindi sinabi kung saan.’’

“Bakit hindi mo alam kung saan nagtatrabaho?”

“Ayaw niyang sabihin.”

“Anong trabaho ni Mau?”

“Driver-bodyguard ng Chinese.’’

“Baka yung dating amo niya noon.’’

“Anak daw ng amo niya noon.’’

“’Yung amo niya noon ang nagbigay ng bahay at lupa na ito.’’

Napatingin si Lyka kay Kastilaloy. May binabasa sa mukha niya.

“Bakit mo alam Tatang Dune na yung amo niya ang nagbigay ng bahay at lupa na ito?”

“Sinabi niya sa akin. Ikinuwento niya na mabait ang amo niyang Intsik.’’

Napatangu-tango si Lyka. Nag-iisip.

“Hindi ba niya kinukuwento sa’yo?”

“Hindi gaano. ‘Yung Intsik na amo lang ang alam ko pero itong bahay at lupa hindi ko alam na bigay sa kanya.’’

“Marami palang inililihim sa’yo si Mau.”

“Marami talaga. Pati pambababae inililihim pero hindi niya alam, bistado ko na.’’

Napatingin si Kastilaloy sa mga labi ni Lyka. Manipis ang labi ni Lyka.

“Gusto kong gumanti kay Mau. Tulungan mo ako, Tatang.’’

Hindi makapagsalita si Kastilaloy. (Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

BAKIT

KASTILALOY

LYKA

MAU

NIYA

TATANG

TATANG DUNE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with