^

True Confessions

Sinsilyo (186)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG patungo sa kanilang kuwarto, may iniisip si Lyka ukol kay Kastilaloy. Kilala na niya ang matanda. Tuso ito. Lahat nang ga­gawing pabor ay may kapalit. Hindi siya papayag na hindi makinabang. Pero mas tuso siya kaysa rito. Mas mautak siya kaysa matandang ito.

Hindi siya puma-yag na sa kuwarto nito mangyari ang hinihiling na paghipo sapagkat maaari siyang malagay sa peligro. Delikado siya kapag nagkataon. Iniisip pa lamang ng matanda ay alam na niya ang maaaring kahantungan. Hindi siya bobo para basta-basta pumayag na doon sa kuwarto niya gawin ang gusto niya.

Kung dito sa ka­nilang kuwarto ni Mau gagawin ang hinihiling ng matanda, mas safe siya. Kung halimbawa at big­lang dumating si Mau, puwede niyang sabihin dito na pinasok siya ng matanda at ni-rape. Puwersahan siyang pinasok at saka sinimulan siyang gahasain. Kung sa kuwarto ng matanda gagawin ang lahat, tiyak na mabubuking siya. Tiyak na mag-iisip si Mau kung bakit naroon siya sa kuwarto ng matanda. Ano ang ginagawa niya roon. Kahit pa sabihin niyang may itinatanong siya sa matanda, mag-iisip tiyak si Mau. Baka hindi siya paniwalaan ni Mau kahit ano pang matitinding dahilan ang sabihin niya.

“Lyka, bakit sa kuwarto mo pa?’’ tanong ni Kastilaloy habang nasa likuran niya.

Agad nakaisip ng sagot si Lyka, “Maa-likabok sa kuwarto mo, may allergy ako. Hinahatsing ako.’’

“Ah ganun ba? Sana sinabi mo agad para naglinis ako.’’

“Hindi na. Dito na lang sa kuwarto ko.’’

‘‘Gusto mo ba bila­ngin ko na ang mga barya para sa iyo? Di ba idedeposito mo yun?’’

“Sige. Idedeposito  ko na nga yun.’’

“Bibilangin ko na pagkatapos mong maipahipo ang ano mo…’’

Nag-isip uli si Lyka. Tuso nga ang matandang ito. Hindi papayag nang walang kapalit.

Nakarating sila sa kuwarto. Binuksan ni Lyka. Pumasok siya. Pumasok din si Kastilaloy.

‘‘Matatagalan daw si Mau ano ? Sabi sa akin, ako na raw ang bahala rito.’’

Isinara ni Lyka ang pinto.

‘‘Anong ikaw na ang bahala?’’

“Sabi ni Mau, ako na raw ang bahala. Ganun lang. Baka ibig sabihin ako na ang bahala sa’yo, he-he-he!’’

“Ano pa ang sinabi?’’

“Ingatan ko raw ang mga barya.’’

Nag-isip si Lyka. Talagang tiwala si Mau sa matandang ito.

‘‘Ano Lyka, ipaaano mo na ba ‘yang ano mo?’’

Nag-isip uli si Lyka.

(Itutuloy)

ANO

ANO LYKA

KASTILALOY

KUWARTO

LYKA

MATANDA

MAU

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with