Sinsilyo (181)

NAPANGITI si Kastilaloy sa mga naisip ukol kay Lyka. Kapag nakapag-ipon pa siya nang ma­raming sinsilyo at ibinigay iyon kay Lyka, tiyak na makakahiling pa siya rito nang kahit ano. Mukhang palaban si Lyka. Kapag pinakitaan ng pera, ay ibibigay ang lahat. Ma­daling silawin ng pera ang demonyitang babae!

Paniwalang-paniwala ang demonyita na ma­rami pa siyang itinatagong sinsilyo. Sinabi niya na mayroon siyang ilang sako. Madaling maniwala. Paano naman siya makakapag-ipon nang ganoon karami? Akala yata ay kung gaano karami ang saku-sakong sinsilyo o barya? Pero paniniwalain niya si Lyka na marami nga siyang barya. Kapag naniwala, hihiling siya nang matindi rito. Hihilingin niyang mahipo ang ipinakita sa kanya noong nakaraan. Naalala niya ang nakita. Rosas pa ang mga korona ng dibdib ni Lyka. Nakita niya nang malapitan kaya hindi makakaligtas sa kanya. Kapag malapitan ay malinaw ang kanyang mga mata. Pero agad na tinakpan ni Lyka ang ipina­kita. Tinakaw siya. Hindi pa niya natititigan nang ayos ay isinara na agad ang telon. Nakikiusap pa siya na ipasilip uli pero tumanggi na. Pero siguro sa sunod ay hindi na makatatanggi si Lyka sapagkat ipakikita muna niya rito ang mga barya. Tatakawin din niya. Tingnan lang niya kung hindi ito maglaway. Papayag tiyak si Lyka na mahipo ang itinatago!

Samantala, binalot na mabuti ni Tata Kandoy ang unan at kumot na dadalhin kay Gaude. Kailangang madala niya ngayon at baka wala itong gamitin. Dadalhin din niya ang maliit na electric fan na kanyang ginagamit. Makapagtitiis naman siya na wala nito. Puwedeng magpaypay. Kawawa naman kung si Gaude ang walang electric fan. Nakakahiya kung ang electric fan ng may-ari ng boarding house ang gagamitin.

Nang inaakala ni Tata Kandoy na walang nakakakita sa kanya, lumabas na siya. Nagmamadali siya. Kapag nadala niya ang mga gamit ay babalik din agad siya at baka maghinala na si Kastilaloy.

(Itutuloy)

Show comments