^

True Confessions

Sinsilyo (175)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MALAKAS ang kutob niya na ang nakahiga ay wa-lang iba kundi si Gaude. Sa haba ng katawan na nakaunat sa nakasaping karton, hindi siya maaa-ring magkamali na iyon na nga si Gaude.

“Gaude! Gaude!”

Lumapit na nang tuluyan si Tata Kandoy sa nakatalikod na lalaki na parang hindi siya naririnig. Puti ang pang-itaas ng lalaki pero nanlilimahid na sa dumi. Itim naman ang pantalon. Iyon ang uniporme ni Gaude. Hindi na ito nakapagpalit ng damit sapagkat pinalayas na matapos gulphin ni Mau. Nalaman niya iyon kay Kastilaloy. Pero nasaan kaya ang backpack? May itim na backpack si Gaude na may lamang libro at notebook.

“Gaude! Si Lolo Kandoy mo ito!”

Sa sinabing iyon ng matanda, ay gumalaw ang nakalatag na katawan. Nag-inat. Dahan-dahang ipinihit ang nakatalikod na katawan. Parang hirap na hirap.

Hanggang sa maiba-ling ang mukha. Nalantad kay Tata Kandoy. Hindi nga siya nagkamali. Nakita na niya ang hinahanap.

“Gaude! Ikaw nga!” Sabi ng matanda na parang iiyak.

Parang nananaginip   na­man si Gaude. Parang hi­nahagilap ang mga nakaraan. May mga pasa pa rin ito sa mukha. Parang bago ang mga pasa!

“Lolo Kandoy!’’ Nasabi ni Gaude makaraan ang ilang sandali. Parang may masakit sa bibig.

“Matagal na kitang hinahanap narito ka lang pala,” sabi ni Tata Kandoy at ti­napik sa balikat si Gaude.

Hindi makapagsalita si Gaude. Parang pinipigil ang sarili. Umakmang uupo pero nahihirapan. Tinulu-ngan ni Tata Kandoy. Bakit puro pasa ang katawan ni Gaude at hinang-hina rin.

Nang maiupo, naupo na rin si Tata Kandoy sa tabi nito.

“Bakit puro pasa ka Gaude? Anong nangyari?”

Napabuntunghininga  si Gaude. Hindi ma­ka­tingin nang deretso. Na-nginginig.

“Anong nangyari Gau­de?”

Hindi pa rin makapagsalita. Naalarma si Tata Kandoy. Tiyak na gutom na gutom si Gaude.

“Sandali Gaude at ibibili kita ng pagkain!”

Tumango si Gaude. Gutom nga.

Nakakita si Tata Kandoy nang isang lugawan sa di kalayuan. Marami naman siyang dalang pera. Bumili siya ng aroskaldo at tubig. Humingi ng kutsara. Mabilis na bumalik sa kinaroroonan ni Gaude. Nakasandal na si Gaude sa pader.

“Eto ang aroskaldo. Susubuan kita! Mabu-ting mainitan muna ang sikmura.”

Sinubuan si Gaude. Sunud-sunod. Gutom na gutom. Kawawa naman si Gaude. (Itutuloy)

ANONG

BAKIT

GAUDE

GUTOM

KANDOY

LOLO KANDOY

PARANG

TATA KANDOY

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with