NANG inaakala ni Lyka na bitin na bitin na ang matanda ay bigla niyang isinara ang nakabukas na tuwalya. Sarado na ang telon.
“Opps, tama na!”
Biglang alma si Kastilaloy. Naputol ang pa-nonood.
“Teka muna!”
“Tama na!”
“Punyeta!”
“Saka na lang uli ka-pag naibigay mo na ang mga sinasabing barya.’’
“Ibibigay ko sa’yo.”
“Kailan?”
“Bukas o kahit sa makalawa.”
“Bukas ka na lang uli sumilip. Kapag nakahanda na saka na lang uli ang showtime.”
“Punyeta!”
“Ayaw mo? Sige, okey lang sa akin.’’
“Hindi! Sige, ibibigay ko sa’yo ang mga barya. Limang sako ang mga barya ko.’’
Napalunok si Lyka. Magkano kaya ‘yun? Kapag napasakanya yun, buhay donya siya.
“Paano mo ibibigay sa akin ang mga yun?” tanong niya.
“Punta ka rito,’’ sabi ni Kastilaloy na nakangisi.
“Sige. Pero pag wala si Mau. Sasabihin ko sa’yo kapag wala si Mau, ha?”
“Sige Lyka. Pero baka naman puwedeng pasilip uli kahiit kaunti.”
“Saka na lang kapag nakahanda na ang barya. Ilagay mo na sa supot o bag para madaling ma-deposit.’’
“Okey. Muchas gracias!”
“Lalabas na ako at baka dumating si Mau.’’
“Sige Lyka!”
Binuksan ni Kastilaloy ang pinto. Bago lumabas, tiningnan muna ni Lyka kung may nakakakita. Wala. Lumabas na siya.
Nakangiti naman si Kastilaloy nang isara ang pinto. Ibibigay niya kay Lyka ang mga naipon niyang barya. Marami iyon. Pero bago niya ibigay, hihiling pa siya ng iba kay Lyka. Kailangan ay may bonus! Mas maganda kung madadama ang nakikita! (Itutuloy)