‘‘BAKIT po Lolo Dune?’’ tanong ni Lyka. Nagtataka siya sa pagtawag ni Dune Kastilaloy. Nakangisi ang matanda.
‘‘Wala naman Lyka. Nagagandahan lang ako sa’yo.’’
Napangiti si Lyka.
‘‘Ang ganda mo talaga,’’ sabi uli ng matanda at hinagod ng tingin ang makikinis na hita ni Lyka.
Nag-isip na si Lyka. Mayroong binabalak ang matanda.
‘‘Ilang taon ka na Lyka ?’’
“Beinte uno po!’’
“Ambata mo pala. Parang anak ka na ni Mau ano?’’
Napangiti lang si Lyka. May binabalak nga ang matanda. Nakikita niya sa likot ng mga mata nito. Parang natatakam sa kanya.
“Ang bango mo, naaamoy ko. Ano yun, sabon o shampoo?’’
“Sabon po.’’
‘‘Ambango! Sariwang-sariwa ang amoy.’’
Nag-iisip si Lyka. Mukhang may binabalak si Lolo Dune Kastilaloy.’’
“Nandiyan ba si Mau, Lyka?’’
‘‘Wala po. Umalis po.’’
‘‘Babalik agad?’’
“Hindi ko po alam. Bakit hindi ’’
‘‘Bakit po Lolo?’’’
“E ipapakita ko na sana sa’yo ang mga naipong barya. Di ba sabi ni Mau sa iyo ang mga kikitain ng mga matatanda sa pagpapalimos.’’
Napangiti si Lyka.
‘‘Opo. Sa akin nga po.’’
‘‘Gusto mong ma-kita, halika sa kuwarto ko.’’
“Teka po at magbibihis ako.’’
“Huwag na! Titingnan mo lang naman ang mga barya. Marami na kasi. Halika.’’
Pumayag si Lyka.
Tinungo nila ang kuwarto. Nakangiti naman si Kastilaloy. May iniisip ito. (Itutuloy)