HINDI sumagot si Gaude sa tanong ni Lyka. Patuloy siya sa pagbibilang ng barya. Halos alam na niya kung ano ang sinasabing premyo ni Tita Lyka. Iyon din ang sinabi ni Tita Lyka noong unang magpunta rito sa kuwarto niya. Hindi nga lang premyo kundi mayroon daw ipakikita sa kanya. At ipinakita nga sa kanya ang “kaangkinan” sa pamamagitan nang dahan-dahang paglililis ng damit pantulog. Nakita niya ang “kaangkinan” dahil walang panloob si Tita Lyka. Hindi lang nagawa ni Tita Lyka ang iba pang nais gawin noon dahil nga sa “daga” na bumagsak sa pintuan ng kuwarto. Ngayon, hindi niya alam kung may panloob si Tita Lyka. Ang damit pantulog na suot noon ang suot din ngayon.
“Ano Gaude, gusto mo ibigay ko na ang premyo sa’yo? Magsalita ka naman diyan,” sabi ni Lyka at itinaas ang mga paa na lalong ikinalilis ng damit-pantulog.
Hindi sumagot si Gaude at hindi rin tumingin. Pero sa sulok ng kanyang mga mata, alam niyang nakataas ang mga paa ni Lyka at hanggang baywang ang lislis ng pantulog. Ayaw niyang tingnan sapagkat baka matukso siya ay kung ano ang kanyang magawa. Lalaki siya at maaari nang testingin ang “iniingatang sandata” subalit alam niyang mahuhulog siya sa kumunoy ng kasalanan. Lagi niyang isinasaisip ang payo ng kanyang tatay noong bago siya magpunta rito sa Maynila na huwag gagawa nang anumang ikasisira ng pagtitiwala ni Tito Mau. Huwag gagawa ng mali. Naisip din niya ang mga payo ni Lolo Kandoy noon na huwag ma huwag daw magpapatalo sa tukso. Minsan nang sinabi ni Lolo Kandoy na kakaiba ang nababasa niya sa mukha ni Lyka. Hula ni Lolo Kandoy, magdadala ng problema sa bahay na ito si Lyka.
“Gaude, tumingin ka naman! Napakasuplado naman nito. Tingnan mo o! Baka naman bading ka! Di ba pagti-teacher ang kinukuha mo? May nagsabi sa akin na ang lalaki raw na nagti-teacher ay bad….” Ibinitin ang sasabihin at nagtawa.
Nagpanting ang taynga ni Gaude. Hindi siya bading! Lalaking-lalaki siya!
(Itutuloy)