Sinsilyo (130)

“HINDI ko pa po nahuhuli ang daga, Tita Lyka!’’ Sabi ni Gaude habang nakahawak sa seradura ng pinto. Itinutulak ni Lyka ang pinto.

‘‘Niloloko mo lang ako! Wala naman talagang daga diyan sa kuwarto mo. Buksan mo ito!”

Patda si Gaude. Pa­ano kaya nalaman ni Tita Lyka na walang daga? Nahalata kaya na nag-sisinungaling siya?

“Papasukin mo ako!’’

“Pero Tita, ano baka po…’’

“Anong pero-pero, anong baka-baka? Papasukin mo ako! Baka magsisi ka kapag hindi mo ako pinapasok! Isusumbong kita kay Mau!’’

Litong-lito at takot na takot si Gaude. Gagawin ni Tita Lyka ang banta. Isusumbong siya kay Tito Mau.

“Sasabihin ko kay Mau na ayaw mo akong sundin. Isusumbong kita na sinasagut-sagot mo ako. Masamang magalit yun. Alam mo na ba kung paano magalit si Mau?’’

Hindi makasagot si Gaude. Hindi niya alam kung paano magalit si Mau dahil hindi pa naman siya pinagagalitan nito. Mula nang tumira siya rito ay hindi pa siya napapagalitan ni Mau. Wala naman kasi siyang ginagawang kamalian kay Mau.

‘‘Masamang magalit yun. Bukod sa gugulpihin ka ay palalayasin ka pa. Kapag pinalayas ka, hindi ka na makakatapos ng pag-aaral. Anong gusto mo, papasukin ako o isumbong kita kay Mau.’’

Walang nagawa si Gaude. Binuksan niya ang pinto at hinayaang makapasok si Lyka.

“Ganyan!” sabi ni Lyka nang makapasok. ‘‘Gusto mo tatakutin muna.’’

Hindi naman maka­tingin si Gaude kay Lyka. Aninag ang katawan  nito sa suot na pantulog. Wala na namang panloob si Lyka!

“Nasaan ang mga binilang mong barya?’’

“E wala pa po.’’

‘‘O sabi ko na nga ba.’’

‘‘Kasi po Tita, nata­takot ako kay Tito Mau.’’

‘‘Huwag kang matakot. Akong bahala sa’yo,’’ sabi at inakbayan si Gaude. ‘‘Sige, magbilang ka na. Dito muna ako mahihiga sa kama mo.’’

Humiga si Lyka. Paghiga ay nalilis ang laylayan ng pantulog. Nalantad ang hita.

Nagbilang na ng bar­ya si Gaude.

Maya-maya, nagsalita si Lyka. ‘‘Gusto mo ibigay ko na ang premyo sa’yo Gaude?’’

(Itutuloy)

Show comments