NAIBABA ni Lyka ang laylayan ng pantulog nang marinig ang bumangga o inihagis sa pinto.
Napatingin siya kay Gaude.
Wala namang kaimik-imik si Gaude. Tulala pa rin dahil sa nakita kanina kay Lyka. Nasulyapan niya ang itinatago ni Lyka. Walang panloob si Lyka!
“Ano kaya yun Gaude? Parang may bumangga o inihagis sa pinto.’’
Tahimik pa rin si Gaude. Hindi niya alam ang sasabihin? Wala siyang ideya kung ano ang bumangga o bumagsak sa pinto sa labas.
“Hindi kaya may tao sa labas?”
Saka lamang nagsalita si Gaude.
“Baka po may matanda na pumasok sa kusina.’’
“Bakit?”
“Hindi ko po alam.’’
“Di ba may sarili naman silang tirahan? Bakit papasok pa rito?”
“Kung minsan po, may kumukuha ng pagkain.”
“Alam ba ‘yan ni Mau?” Halatang inis na si Lyka.
Umiling si Gaude.
“Baka naman may ibang tao na nakapasok at nanakawan tayo?’’
“Hindi naman po siguro dahil nakakandado ang gate. Mahirap pong makapasok dito ang magnanakaw.’’
“E ano ang bumagsak na yun?’’
Maya-maya, nagpasya si Lyka na buksan na ang pinto para makita ang bumagsak sa labas.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang seradura at pinihit.
Nabuksan ang pinto.
Gulat na gulat si Lyka nang makita ang nasa may pintuan.
“Daga! Daga!”
(Itutuloy)