Sinsilyo (121)

NANG makapasok si  Lyka sa kuwarto ni Gaude ay umalis na si Lolo Kastilaloy. Pero tinandaan niya kung anong oras pumasok si Lyka sa kuwarto. Iyon ang ire-report niya kay Mau. Napangiti si Kastilaloy. Kapag naisumbong niya si Gaude, tiyak na palalayasin ito ni Mau. Pero nag-isip din siya, paano kung palayasin din si Lyka? Kapag pinalayas si Lyka, wala na siyang sisilipan. Apektado siya kapag isinumbong agad si Gaude. Mas maganda kung patagalin muna niya ang ginagawa ng dalawa at kapag nagsawa na siya sa paninilip kay Lyka, saka niya isumbong si Gaude. Hindi pa siya nagsasawa kay Lyka. Gusto niyang panoorin ang paliligo nito. Napakaganda kasi ng katawan ni Lyka. Batambata pa.

At napatawa pa si Lolo Kastilaloy sapagkat naalala niya ang tungkol sa daga na napatay niya. Paniwalang-paniwala si Gaude, Mau at Lyka na napatay nga niya ang daga na nakita sa banyo. Hindi naman totoo iyon. Ang daga ay nakita lamang niya sa kalye, patay na ito. Binitbit niya at saka dinala sa likod ng bahay at pinakita sa tatlo. Paniwalang-paniwala sila. Siya ang bida. Ha-ngang-hanga si Lyka, ha-ha-ha!

Nagtungo na ang ma­tanda sa kanyang tirahan sa likod pero mamaya, babalik uli siya para tingnan kung nakalabas na si Lyka o nasa kuwarto pa ni Gaude.

Nang mga sandaling iyon ay kinakausap ni Lyka si Gaude. Hindi makatingin nang deretso si Gaude kay Lyka. Iniiwasan niyang tingnan ang katawan ni Lyka na bakat sa suot na pantulog.

“Tinawagan ko si Mau at sinabi ang tungkol sa tuition mo, Gaude. Sabi niya, magbilang ka nang maraming barya. Kapag marami ka nang nabilang, idedeposito ko sa banko at bibigyan kita ng pang-tuition. Okey?’’

“O-opo, Tita.’’

“Mga magkano ba la-hat yan sa palagay mo?”

“Ito pong bunton ng barya?”

“Oo.’’

“More or less po mga isang milyon yan.’’

Napalunok si Lyka.

“Makakaya mong magbilang ng one hundred thousand?”

Nag-isip si Gaude.

“Baka hindi ko po makaya, kasi gabing-gabi na.’’

“Bukas ng gabi, kaya mo?’’

“Sisikapin ko po.’’

“Sige kapag nakapagbilang ka, may ipakikita ako sa’yo,” sabi at ngumiti si Lyka. Nanunukso. “Nakakita ka na ba ng…’’

(Itutuloy)

Show comments