“SAAN po nagpunta si Tito Mau?’’ tanong ni Gaude kay Lyka.
“Hindi sinabi kung saan. Pero malayo at mga ilang araw na mawawala. Bakit ba, Gaude? Bakit gusto mo siyang makausap?’’
Hindi sinabi ni Gaude ang totoong dahilan. Nag-imbento siya.
“Tungkol po sa school, Tita Lyka.’’
“Ano ang tungkol sa school? Tuition?”
“Opo.’’
“Magbabayad ka ng tuition?”
Pinanindigan na ni Gaude. Bahala na.
“Opo. Mag-eexam na po kasi kami.’’
“Ganun ba? Bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Sasabihin ko na sana kay Tito Mau pero wala na pala.’’
“Hindi mo sinabi nung isang linggo.”
“Wala rin po kasi siya noong nakaraang linggo.’’
“Okey. Kailan ang exam mo?”
“Sa makalawa po.’’
“Okey. Sige, ite-text ko siya.’’
“Salamat po, Tiya Lyka?”
“’Yun ba talaga ang dahilan kaya gusto mong makausap si Mau?”
“Opo, yun lang po.’’
Napangiti si Lyka --- ngi-ting nang-aakit at may landi.
Hindi makatingin si Gau- de kay Lyka. Parang hinihi-gop siya ng nanunuksong pagkakatingin ni Lyka.
“Sige po Tita, papasok na po ako.’’
“Sige Gaude. Pupuntahan kita sa room mo.’’
GABI. Mga 10:00 ng gabi, nagbabasa ng libro si Gaude nang makarinig ng katok sa pinto.
Kinabahan si Gaude. Nahuhulaan na niya kung sino ‘yun.
Binuksan niya. Si Lyka! Manipis na pantulog ang suot.
“May sasabihin ako Gaude,” sabi nito at pumasok sa kuwarto. Parang estatwa si Gaude.
Lingid sa kanila, nakasubaybay si Lolo Kastilaloy. Nakangiti habang may iniisip.
(Itutuloy)